Gaano kayaman si Andrew E.? Paano ito nakamit ng King of Tagalog Rap at Bakit muntik na siyang makulong noon? - The Daily Sentry


Gaano kayaman si Andrew E.? Paano ito nakamit ng King of Tagalog Rap at Bakit muntik na siyang makulong noon?



Andrew Ford Valentino Espiritu o mas kilala bilang Andrew E. Isa siya sa mga haligi ng showbiz industry at tinaguriang "King of Tagalog Rap".

Atin munang sariwain ang kanyang makulay na karera bago natin alamin ang halaga ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon at kung totoo nga ba ang naging usap-usapan noon na siya'y nakulong.




July 30 1967 ipanganak si Andrew E sa Dongalo, Parañaque. Makulay at mahirap ang kanyang naging buhay. Ang nanay nito ay isang mananahi habang ang ama nama'y isang barbero.

Noong bata ay nagbabantay ito sa barber shop ng ama. Habang tuwing Sabado't Linggo naman ay tumutulong sa negosyong handicraft ng kanyang lolo't lola. Walang sahod noon si Andrew, ang bayad sa kanya ay pagkain o meryenda.

Andrew E. Worldwide | Facebook

Andrew E. Worldwide | Facebook


Pero noon pa man ay mahilig na siya sa musika, kaya hindi nito naiiwasang humingi ng pera sa kanyang lola para ihulog sa jukebox malapit sa kanilang lugar.

Sa edad na 10 ay lalo itong napamahal sa music at naging inspirasyon nito ang mga artist na sina Elton John, Michael Jackson at Mike Hanopol.

1980's nang simulang maging DJ si Andrew at sumasahod ng 100 piso. Ilan sa mga pinagtrabahuhan nito ay sa Stargazer Disco, Zigzag Disco at Rumours Disco.

Andrew E. Worldwide | Facebook


Ang Euphoria naman na pagmamayari ng mayamang negosyante na si Enrique Zobel ang itinuturing na pinakasosyal na pinasukan nito, dito niya unang ginamit ang pangalang Andrew E.

Isang gabi sinubukan nitong mag-rap sa harap ng maraming tao ngunit hindi nila ito nagustuhan. Nag-alisan ang mga tao sa dance floor sa pagkadismaya. Dahil dito, nagbayad ng P1000 penalty si Andrew E sa kanyang pinapasukang disco bar.

Natutunan nito ang pagra-rap sa kaibigan sa Pampanga na African-American. Pinaghusayan niya ito at nagdesisyong ito ang gawing paraan para maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Ngunit hindi ito naging madali dahil hindi pa noon tanyag ang rap music sa Pilipinas. 5 taon ang binigay na palugit nito sa sarili at kung hindi ay kakalimutan na nito ang pagrarap.

Taong 1990 sinukuan nito ang kanyang pangarap, nasangkot sa insidente at pinagbintangan na ng hit and run. Pilit na ipinagtanggol nito ang kanyang sarili at ipinakita pa ang kanyang timecard dahil aniya, nang mga oras na iyon ay nagtatrabaho siya.

Andrew E. Worldwide | Facebook


P90,000 ang hininging danyos ng naaksidenteng bikitma at kapag hindi nakapagbayad si Andrew ay ipakukulong siya nito.

Noong panahon ding iyon, naghahanap ng bagong artist ang VIVA Records, napakinggan at nagustuhan nito ang mga kanta sa demo tape ni Andrew na galing sa naka-discover sa kanya.

Laking gulat nito ng makatanggap ng tawag sa Viva dahil hindi na niya inaasahan na ikokonsidera nito ang kanyang talento.

Binayaran ng malaking halaga ang mga kantang Humanap Ka Ng Panget, Binibi Rocha atbp. Dahil dito ay nabayaran niya ang danyos na P90,000 at hindi na nakulong.

Nagsimulang mabuhay ang Pinoy Rap Music sa Pilipinas sa pamumuno ni Francis Magalona at Andrew E. Si Francis M. na rin ang naging impluwensiya ni Andrew E. na pasukin ang mundo ng showbiz.

Andrew E. Worldwide | Facebook

Andrew E. Worldwide | Facebook


1991 nang bumida sa pelikula ang tinaguriang King of Tagalog Rap. Hango ang titulo nito kanta niyang "Humanap Ka Ng Panget!"

Kinilala at dumami ang mga nagawang kanta at pelikula hanggang sa magpagdesisyonan niyang magpahinga sandali. Muli itong bumalik sa industriya taong 2013 at nagtuloy-tuloy naman ang mga proyekto sa Teleserye at Pelikula.

Hanggang ngayon ay naririnig pa rin ang mga awiting ginawa nito, bago man o luma.

Andrew E. Worldwide | Facebook



Dahil sa mga pagsisikap na ito, tinatayang nasa P300 Million Pesos na ang kabuuang yaman ni Andrew E.

Bahay sa isang exclusive subdivision at mansyon at restaurant sa Boracay. Facebook Shareholder, may-ari ng Dongalo Wreckords at kolektor din ito ng mga laruan, NBA cards at comics. Isa nga sa mga comics nito ay nagkakahalaga ng P50 million pesos. 

Si Andrew ay ikinasal noong March 2000 sa asawang si Mylene Espiritu at biniyayaan ng tatlong anak.