F4 member na si Ken Chu, ibinulgar ang misteryosong sakit na matagal nang iniinda - The Daily Sentry


F4 member na si Ken Chu, ibinulgar ang misteryosong sakit na matagal nang iniinda



Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa F4 (Flower 4) mula sa Taiwanese drama series na Meteor Garden na talagang sumikat noon sa buong Pilipinas?
Photo credit to the owner

Taong 2003 nang sumikat at kinabaliwan ng mga Pilipino ang F4 members na sina Jerry Yan (Daoming Si), Vic Chou (Huaze Lei), Vansess Wu (Meizuo), at Ken Chu (Ximen).

Paglipas ng maraming taon, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pilipino ang F4 at marahil ang ilan ay nagtatanong kung ano na nga ba ang nangyari sa kanila.

Sa kanilang apat, tila si Ken ang hindi masyadong popular at hindi na nabigyan pa ng maraming projects.
F4 / Photo credit to the owner
F4 with Barbie Hsu / Photo credit to the owner

Sa mga hindi nakakaalam, si Ken ay nagtatrabaho bilang isang waiter noon bago siya madiskubre at isama upang mabuo ang boyband na F4.

Naging matagumpay ang showbiz career ni Ken lalo na nung pumatok sa mga tao ang Meteor Garden.

Nagkaroon din ng pelikula dito sa Pilipinas si Ken kasama ang aktres na si Iza Calzado na pinamagatang ‘Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan’.
Photo credit to the owner
Ken Chu and Iza Calzado / Photo credit to the owner

Taong 2016 naman nang magpakasal sila ng Chinese actress na si Vivien Han.

Sa kanilang kasal ay makikita ang masasayang larawan ni Ken kasama si Vivien.

Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay matagal na pala siyang may iniindang malubhang karamdaman.
Vivien Han and Ken Chu / Photo credit to the owner
Vanness Wu, Ken Chu and Jerry Yan / Photo credit to the owner

Noong 2016 din ng maging laman ng katatawan ang aktor dahil sa mabilis na paglobo at pagtaba ng kanyang katawan.

Tinawag siya ng iba na tamad at pabaya sa katawan. Sobrang nasaktan si Ken sa kanyang mga naririnig na masasakit na salita. 

Hindi nagtagal ay hindi na kinaya ng aktor ang pangbabash sa kanya at ibinulgar na sa publiko ang matagal nang iniindang karamdaman.

I have been enduring silently all these years. I felt that I had enough.
Ken Chu / Photo credit to the owner
Ken Chu / Photo credit to the owner

Sa isang interview, inamin ni Ken na mayroon siyang karamdaman na kung tawagin ay Fibromyalgia.

"I did not want to explain myself initially but I feel like I have to speak out now as I have been a victim of hurtful words that have been thrown at me by various news reports,” sabi ni Ken.

"I feel like crap, almost as if houseflies are surrounding me but yet, I have no legs to run and hide from them. It is very unfair that only my weight gain got harshly criticised, but somehow, nothing was said when I slimmed down,” dagdag ni Ken.
Ken Chu / Photo credit to the owner
F4 / Photo credit to the owner

Ang Fibromyalgia ay nagdudulot ng matinding pananakit sa katawan kung saan para kang sinusunog ng buhay at binubugbog.

Nararamdaman daw ito ng mga mayroong ganoong karamdaman sa tuwing sila ay nai-stress, napi-pressue at napapagod.

Ayon sa Wikipedia, ang “Fibromyalgia is a disorder characterized by widespread musculoskeletal pain accompanied by fatigue, sleep, memory and mood issues. Researchers believe that fibromyalgia amplifies painful sensations by affecting the way your brain and spinal cord process painful and nonpainful signals.”
F4 with Barbie Hsu / Photo credit to the owner
F4 / Photo credit to the owner

Sabi ni Ken, ang paglobo ng kanyang katawan ay side effects ng gamot na kanyang iniinom upang labanan ang sakit na nararamdaman.

I can’t exercise intensely. If I exercise to much, my body will suffer from all sorts of pains,” sabi ni Ken.

Mas lalo pa itong naging misteryoso dahil hindi umano ito nakikita sa anomang laboratory test at hanggang sa ngayon ay wala pa ring nadidiskubreng gamot laban dito.

Ngunit saan at papaano nga ba nakuha ni Ken ang karamdamang Fibromyalgia?
F4 / Photo credit to the owner
F4 with Barbie Hsu / Photo credit to the owner

Ayon kay Ken, noong bata siya ay nagkaroon siya ng asthma dahil sa dust mite allergy. Isa sa mga gamot sa asthma ay ang paggamit ng ster0ids. 

Dahil bata pa noon si Ken, nakaapekto ang ster0ids sa kanyang mga buto at muscles.

Ang nakakalungkot ay hindi na nais pang magkaroon ng anak ni Ken dahil sa karamdamang ito dahil natatakot siyang baka maipasa niya ang kanyang sakit.

“The world is no longer the same as I know it. I cannot guarantee what’s right and what’s wrong to my kids in this chaotic world. We just want to enjoy our time as a couple. As for having children, we are not looking forward to it, neither are we against it,” sabi ni Ken.

Sa isang interview, sinabi rin ni Ken na, “I can choose not to care and take a gamble, but if my child inherits the condition, doesn't that mean I've let them down?"


***