Dr. Kilimanguru, idinetalye kung paano sirain ang kidney, mga dapat gawin para magkasakit sa bato. - The Daily Sentry


Dr. Kilimanguru, idinetalye kung paano sirain ang kidney, mga dapat gawin para magkasakit sa bato.



Si Dr. Winston Kilimanjaro Creones Ayochok Tiwaquen o mas kilala sa social media bilang Dr. Kilimanguru ay isang filipino licensed physician na nagbabahagi ng mga evidence-based health information.

Idinadaan nito ang kanyang mga payong pangkalusugan sa iba't ibang paraan nang sa gayun ay maaliw habang may natututunan ang kanyang mga tagasubaybay.




Dahil sa epektibong paraan na ito ay kasalukuyang mayroong siyang tumataginting na 3.3 million followers.

At sa pagkakataong ito ay lalo pa siyang pinagusapan dahil sa kanyang pagbabahagi kung papaano sirain ang ating kidney o kung papaano magkasakit sa bato.

Hindi nagbibiro ang doctor at tila ba may diin sa mga salita nito habang idinidetalye ang mga dahilan ukol sa sakit na ito.

Dr. Kilimanguru | Facebook

Dr. Kilimanguru | Facebook


Una, ay uminom ka raw ng higit sa isang litro ng softdrinks araw-araw.

Pangalawa, kalimutan na ang tubig. Para daw mas lalong mahirapan ang kidneys ay huwag na huwag raw iinom ng tubig.

Samahan na rin daw ng pag-inom ng alak gabi-gabi, 'yan naman ang pangatlo niyang payo kung paano magkasakit sa bato.

Tuloy-tuloy na paninigarilyo at pagva-vape naman ang pang-apat na payo nito para mas lalo raw humina at masira ang mga ugat.

Dr. Kilimanguru | Facebook

Dr. Kilimanguru | Facebook


At ang panghuli ay palaging kumain ng mga maalat na pagkain. Ang mas madalas na pagkain nito ay mas malaking problema ang maidudulot sa kalusugan mo.

Bukod sa sakit sa kidneys ay may pa-bonus pa raw na high blood pressure na makukuha kapag ang lahat sa nabanggit ay ang iyong nakaugalian.

Gaya ng inaasahan, umani nanaman ang doktor ng kaliwa't kanang paghanga mula sa kanyang mga followers dahil daw sa 'wais' na pamamaraang ito.

Dr. Kilimanguru | Facebook

Dr. Kilimanguru | Facebook


Epektibo raw ang ganitong klase ng atake lalo na sa mga pasyenteng pasaway at pilosopo. Kung minsan nga ay may mga pasyente pa na ang gusto nila ang siyang sinusunod at magsisisi na lang kapag huli na ang lahat.

Gayunpaman ay may iilan pa ring pumuna kay Dr. Kilimanguru dahil sa ginawang nitong kakaibang paraan sa pagpapayo.

Sagot naman ng doktor,

Dr. Kilimanguru | Facebook


"Yung mga content ko na 'paano sirain…' is my way of telling you kung ano ang dapat iwasan in an entertaining way. The world is suffering, let’s learn to laugh once in awhile. Wala naman ang may gusto sirain ang katawan nila diba? Mahal magkasakit."

Reverse Psychology na may halong kaunting katatawanan, para hindi naman boring at mas maging kaaliw-aliw ang isang seryosong usapin.

Hindi man ito ikatuwa ng lahat, mas importante pa rin na marami ang nagbigay ng atensyon sa bidyong ito para makapagpakalap ng impormasyon at kaalaman.