Larawan mula sa newspapers |
Si King Gutierrez o binansagan sa pangalang 'Ben Delubyo' ay ipinanganak noong Nobyembre 16, 1955 sa Cavite.
Taong 80's nagsimulang sumabak sa pag-arte si King Gutierrez bilang isang bigating kontrabida sa mga pelikula.
Isa sa hindi makakalimutan sa kanya ng mga tao bilang isang kontrabida ay ang kanyang pagkakaaroon ng nakakatakot at matapang na karakter sa mga pelikulang kanyang ginampanan.
Si King ay madalas gumaganap na lider ng mga masasamang tao sa pelikula kaya naman talagang tumatak na sa isipin ng mga manunuod noon ang kanyang karakter.
Larawan mula sa newspapers |
Larawan mula sa newspapers |
Pero alam nyo ba na ngayon ay malayong malayo na ang karera na tinatahak ni King kumpara sa pagiging kontrabida niya noon sa mga pelikula.
Ang hindi naman alam ng karamihan ay matapos niyang pasukin ang pag-aartista ay pinasok rin ni King ang Philippine army reserve command noong taong 1999 kung saan siya ay naging master sargent at naging aktibo sa mga gawaing gobyerno.
Taong 2013 ay naging councilor si King sa Bacoor Cavite kasama ang kanyang mahal na asawa na nagbibigay serbisyo sa kanilang nasasakupan at sa katunayan nga ay nabigyan si King ng award bilang pinaka-mahusay na councilor ng Calabarzon noong taong 2015.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong ni King sa kanyang mga nasasakupan at madalas siyang matatagpuan sa munisipyo ng Bacoor city hall.
Larawan mula sa newspapers |
Larawan mula sa newspapers |
Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
***