Customer, dismayado sa binayarang P5999 na tila puro buto't balat at ininit lang na Lechon - The Daily Sentry


Customer, dismayado sa binayarang P5999 na tila puro buto't balat at ininit lang na Lechon




Hindi mawawala ang katakam-takam na laman at malulutong na balat ng litson sa mga handaan at mga salo-salo ng mga Pinoy. 


Naglabas ng labis na pagkadismaya ang isang netizen patungkol sa nabili umano nitong buong lechon baboy sa isang online seller na tila walang kalaman-laman at ininit lang ulit. 


Ayon kay Deserie Tuason, umorder umano siya ng isang buong lechon para pick-upin sa kanilang handaan ng September 24, ngunit laking gulat niya dahil September 22 pa lamang ay nag-message na sa kanya ang may-ari na maari nadaw ito kuhanin. 


Aminado naman ang seller na kasalanan niya dahil ang akala niya ay para sa September 22 talaga ang pinareserve ni Deserie, at nakalagay din sa ibinigay nilang resibo ang araw kung kailan nila ito kukuhanin. 




Hinala pa nila na ito rin ang parehas na lechon na niluto na para sa kanila noong Sep22. 


“Yung 5,999 mo na lechon ganito lang… Pang 24 yung order. Nag-message ka ng 22 na ready to pick up na ang lechon. Tapos ininit niyo lang pala ang lechon na binigay niyo sa amin ng 24," saad ni Deserie.  


Nagtaka daw sila kung bakit tila matigas tadtarin ang lechon, hanggang sa nakita nila na puro mga dahon ang nasa loob ng katawan at walang kalaman-laman. 




"Pagkakita namin, balat lang talaga at ribs. Manipis at wala talaga siyang laman."


"Tapos ito lang talaga ang laman. At sabi mo wala talagang taba yung baboy! Edi wow! Ngayon ko lang nalaman na wala palang taba ang baboy ahaha," 


Pansin din nila na sunog ang malaking parte ng lechon at halata din umano na kiniskisan nalang para matanggal ang sunog.





"Nire-heat lang siya. Makikita rin na kiniskisan kasi nasunog yung balat. Siguro nilagay nila sa freezer tapos ininit nalang sa 24. Kasi yung mga paa at tenga sunog at yung katawan kiniskisan lang." salaysay niya sa isang panayam.  


Dinaan niya din umano ang kanyang sama ng loob sa paglalahad sa social media upang magsilbing babala sa ibang mga kustomer at para hindi na mangyari sa kanila ang naranasan nila.  


"Isang lechonan po ito sa Sum ag. Yung binigay sa amin ay mangitim-ngitim na at kiniskisan lang. Hindi niyo ba binantayan yung lechon?!”  








***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!