“Crush ng bayan” noon na sa , ano na ba ang nangyari sa buhay niya? - The Daily Sentry


“Crush ng bayan” noon na sa , ano na ba ang nangyari sa buhay niya?



Naaalala niyo pa ba si Jaime Garchitorena ang mistisong aktor noong dekada 90s’? Talagang pinagkaguluhan siya ng mga kababaihan noon dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan.
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner

Ano na kaya ang nangyari sa buhay niya ngayon?

Si Jaime ay ipinanganak noong June 12, 1968. Siya ay nagmula sa kilala at may kayang pamilya.

Anak siya nina dating presiding judge ng Sandiganbayan na si Francis Garchitorena at dating senior government official at executive ng Ayala Corporation na si Victoria Garchitorena.
Former presiding judge of Sandiganbayan Francis Garchitorena / Photo credit to the owner
Victoria Garchitorena / Photo credit to the owner

Si Jaime ay mahilig sa musika noong kabataan niya. Dahil na rin sa kanyang maamong mukha at matipunong pangangatawan, siya ay kinuhang endorser ng international brand na PUMA noong 1980.

Sa sumunod na taon ay kinuha rin siya ng brand na ADDin bilang signature model.
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner

Ngunit ang talagang nagbigay sa kanya ng pagkakataong makilala at sumikat ay nang kantahin niya ang jingle ng Close-up commercial noong 1990 na isinulat ni Danny Javier ng APO Hking Society.

Naging signature song na ito ni Jaime simula noon at napasama ito sa kanyang album na prinoduce ng OctoArts International. Kasama sa kanyang album ay ang nakilala ring kanta na ‘Would it Matter’ at ‘You Are.’
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner

Mas lalo pang nakilala si Jaime dahil bukod sa kanyang pagiging mestizo at magandang tindig, naging trademark niya rin ang palaging naka-ponytail ang buhok.

Noong 1992, inalok siya ng Viva Films ng recording at movie contract. 

Ang kanyang kauna-unahang proyekto ay sa pelikulang ‘John en Marsha’.

Madalas din siyang kasama ni Andrew E sa mga pelikula katulad ng ‘Andrew Ford Medina: Wag kang gamol’, ‘Alabang girls’ at ‘Pinagbiyak na bunga.
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner

Ngunit mas nakilala siya sa mga role na mayabang at spoiled brat na anak sa mga actions films gaya ng ‘Ang utol kong Hudlum’, ‘Jesus dela Cruz at ang mga Batang Riles,’ at ‘Andres Manambit: Angkan ng matatapang.’
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner

Nakasama niya ang mga aktor na sina Robin Padilla, Joko Diaz, Keempee de Leon at Kier Legaspi.

Sa kabila ng kanyang narating bilang aktor, nagpasya si Jaime na lisanin ang mundo ng showbiz upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Ateneo De Manila.

Siya ay nagtapos ng Master’s in Entrepreneurship sa Asian Institute of Management.

Si Jaime ay naging president at CEO din ng Credit Information Corporation simula 2011 hanggang 2020.
Jaime Garchitorena / Photo credit to the owner

Sa ngayon ay si Jaime ang Managing Director for Commerce and Payments ng kompanyang UBX Philippines.

Sa ngayon ay 54-years old na si Jaime at kitang kita pa rin ang kanyang artistahing mukha at malusog na pangangatawan.


***