Cedric Lee, nagbigay ng pahayag sa pagkaka-aresto kay Vhong Navarro - The Daily Sentry


Cedric Lee, nagbigay ng pahayag sa pagkaka-aresto kay Vhong Navarro



Noong Septembre 19, kusang sumuko ang aktor at TV host na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos ilabas ng Taguig Metropolitan Court ang warrant of arr3st laban sa kanya dahil sa acts of lascivi0usness na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.
Vhong Navarro, Deniece Cornejo and Cedric Lee / Photo credit to the owner

Hindi na rin nakauwi si Vhong matapos niyang magpiyansa dahil may isa pang warrant ang lumabas kung saan ay walang piyansa na inirekomenda ang korte.

Hindi naman naitago ng businessman na si Cedric Lee ang labis na saya sa pagkakakulong at paglabas ng warr*nt laban kay Vhong.

Sa Twitter account ng ABS-CBN reporter na si Nico Baua, ibinahagi nito ang pahayag ni Lee na pakiramdam umano niya ay ‘vindicated’ na siya dahil makalipas ang siyam na taon ay pagdudusahan na ni Vhong ang mga ginawa nitong pananamantala sa mga babae.
Vhong Navarro / Photo credit to the owner

“He has to face all the charges against him. Just like we did. I feel slightly vindicated [because] finally we will have our day in court after almost 9 years. This s3rial r@pist will finally be made to answer for all the women he rap3d."

Tila inakusahan rin ni Lee sina dating Sen. Leila de Lima at beteranong kolumnista na si Tony Calvento na pinoprotektahan diumano noon si Vhong.

Kasalukuyang nakakulong hanggang sa ngayon si De Lima dahil sa kasong dr0ga at si Calvento naman ay pumanaw na noong 2017.

Maging ang ABC-CBN Network ay pinaratangan rin ni Lee na promotekta kay Vhong ngunit sa ngayon ay wala na ring magawa dahil wala na itong franchise.

“He [can’t] hide anymore behind (Leila) de Lima who's now in jail, or (Tony) Calvento who's now d3ad, or ABS who lost its franchise. His modus operandi of being a s3ria1 r*pist will now be exposed.”


Isa umano sa mga ibinabatong isyu noon kay De Lima na dating Department of Justice (DOJ) secretary ay ang special treatment na natanggap ni Vhong sa kanya.

Samantala, isa rin ang model at VJ na si Kat Alano sa mga nagsulat ng open letter kay De Lima kung saan ay binatikos nito ang dating senadora dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya.

“Do not use Filipino women as protection against your own wrongdoings. When I contacted you and beseeched you as a woman and a Filipino to stand up for r*p3 victims everywhere, you turned a blind eye. And now you want the women of the Philippines to stand behind you?” sabi ni Kat.


***
Source: ABS-CBN News