Larawan mula sa kritikongkiko |
Si Arturo Ocampo o nakilala sa pangalang Bomber Moran ay ipinanganak noong October 18, 1944 sa Barangay Commonwealth Avenue, Quezon City.
Si Bomber ay nakilala ng mga manunuod sa kanyang mga kontrabida role sa mga aksyon at pampelikulang Pilipino.
Ang beteranong kontrabida ay lumabas sa mahigit 400 na pelikula na madalas ang kanyang role ay naglalarawan ng masama at matikas na tao na kanyang karakter.
Bagay na bagay sa kanya ang kanyang karakter dahil sa laki ng kanyang katawan at maangas nitong dating.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Matatandaan na si Bomber ay nagsimula noon bilang isang ekstra lamang ng mga pelikula at dahil seryoso ito at masipag sa kanyang trabaho ay napansin siya si DA KING Fernando Poe Jr.
Dahil kilala si FPJ bilang matulungin sa kapwa, lalong-lalo na sa mga kasama nito sa trabaho ay kinuha niya si Bomber sa kanyang pelikula at binigyan ng isang role.
Mula noon ay sunod-sunod na ang pelikulang inalok kay Bomber dahil na rin sa kanyang natural na talento sa pag-arte lalong-lalo na kapag ang role na ginagampanan niya ay ang pagiging kontrabida.
Naging maganda ang karera ni Bomber sa showbiz at dito na siya ikinasal kay Erlinda Ocampo at nagkaroon ng dalawang anak na sina Ramon at Sara.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Ang hindi alam ng karamihan na sa mahigit 400 na pelikula ng kanyang kinabilangan ay nagkaroon siya ng proyekto na siya mismo ang gumanap na bida.
Nakakatakot man si Bomber Moran sa mga pelikula ay kabaliktaran naman ito ng kanyang pagkatao sa tunay na buhay.
Ayon kasi sa mga taong nakakakilala sa kanya ay napakabait na tao nitong si Bomber, palakaibigan at wala umanong kayabang-yabang sa katawan.
Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Bomber Moran ay ang 'Panlaban Dos for Dos' noong 1981, 'Pork and Beans' noong 1982, kasama si Jess Lapid Jr. 'Tokwa't Baboy' at 'Parde Jack' noong 1983.
Ang huling pelikula na kanyang kinabilangan ay ang 'Markang Bungo Part 2' kasama niya rito ang batikang aktor na si Rudy Fernandez.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Hindi naman lingid saatin na bago pumasok ang taong 2000 ay unti-unti nang nawawala ang mga klasikong pelikula at dito nga ay marami ang nawalan ng proyekto sa mundo ng pelikula at isa na dito si Bomber Moran.
Dahil malaki naman ang ipon ni Bomber sa kanyang pag-aartista ay naisipan nitong magtungo sa San Francisco California kasama ang kanyang pamilya at doon na nga manirahan.
Habang nasa Amerika ay naisipan pa rin ni Bomber na mamasukan doon bilang isang caregiver dahil sayang din umano ang kanyang kikitain.
Kahanga-hanga nga naman ang kanyang ginawa para sa kanyang pamilya ay kumayod pa rin siya sa Amerika upang kumita ng pera.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Naging masaya at matiwasay ang buhay ni Moran kasama ang kanyang pamilya sa San Francisco, California ngunit isang mabigat na pagsubok ang kanyang hinarap sa kanyang buhay.
Nagkaroon ng mabigat na karamdaman na prostate c4ncer ang ating bida at dito na nga unti-unting bumigay ang kanyang katawan.
Matapos ang maikling labanan sa kanyang iniindang karamdaman ay ang ating bida ay payapang namaalam sa kanilang bahay sa California noong August 14, 2004 sa edad na 59.
Hindi maitatanggi na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
***