Batang Breadwinner na 'Double Job', Nagpaiyak sa Eat Bulaga Dabarkads! - The Daily Sentry


Batang Breadwinner na 'Double Job', Nagpaiyak sa Eat Bulaga Dabarkads!



Photo credit to GMA and Eat Bulaga

Sinasabing ang pinakamasayang yugto ng buhay ng isang tao ay ang pagiging bata dahil wala pa itong kahit anong kaakibat na problema at responsibilidad. Ang tanging kailangan lang nilang gawin ay mag-aral, matulog, kumain at maglaro.

Ngunit sadyang nakakalungkot isipin na hindi lahat ng mga bata ay maswerteng nararanasan ito. Dahil habang ang ibang batang kaedad niya ay masayang naglalaro, ang batang ito, doble kayod para sa pamilya! Sadyang nakakadurog talaga ng puso! 

Siya ay si Manny, taga North Caloocan, na sa murang edad ay kinailangan ng maghanap-buhay para buhayin ang kanyang pamilya at maipagamot ang kanyang mga magulang na parehong may sakit.



Photo credit to GMA

Hindi lamang mga netizens ang sumakit ang dibdib sa awa at paghanga sa bata kundi pati ang mga hosts at Dabarkads ng number one at longest running noontime variety show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Photo credit to Eat Bulaga

Sa segment ng show na tinaguriang 'Bawal Judgmental', isa si Manny sa mga 'guests choices' kasama ang iba pang batang bread winners nang kani-kanilang pamilya.


Kwento ni Manny, dahil sa hirap ng buhay at upang makatulong sa pamilya ay kinailangan na munang kalimutan ni Manny ang paglalaro upang maging bread winner at magdoble-kayod para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Kaya naman naghanap siya ng dobleng pagkakakitaan o 'double job'. Sa umaga ay nagtitinda siya ng walis, sponge at iba pang gamit sa bahay at matiyagang binabaybay ang mga barangay sa kanilang lugar.

Photo credit to GMA

Pagdating naman ng hapon hanggang gabi ay nag-iikot muli si Manny para naman magtinda at maglako ng balut. Ito lang daw kasi ang kaniyang nakikitang paraan para buhayin ang kanyang pamilya, at sa paraang ito ay mapasaya ang kanyang mga magulang at kapatid.

Photo credit to GMA

Ngunit kahit doble kayod ay hindi naman raw pinababayaan ni Manny ang kanyang pag-aaral at sa kasalukuyan ay Grade 9 na ito at nangangarap makatapos at maging isang 'seaman' balang-araw.

Habang iniinterview si Manny at ang nanay niya na naroon rin sa loob ng studio ay kapansin-pansin talaga ang lungkot sa mukha ng mga Dabarkads hosts at panginginig na boses ni Maine Mendoza habang pinipigil ang pagluha.

 
Photo credit to Eat Bulaga

Mensahe ni Manny sa kanyang ina na huwag aalis sa kanyang tabi at patuloy lang silang magsasama habang-buhay. Pangako niya rin sa ina na magtatapos siya ng pag-aaral upang maipagawa ang kanilang bahay at makaahon sa hirap.



Source: Eat Bulaga | YouTubeGMA Public Affairs