Batang inabandona ng pamilya, nakatagpo ng tunay na pagmamahal sa kanyang aso - The Daily Sentry


Batang inabandona ng pamilya, nakatagpo ng tunay na pagmamahal sa kanyang aso



CTTO

Dahil sa hirap ng buhay sa panahon ngayon, maraming batang walang kamuang-muang ang namumuhay sa kahirapan dahil sa kapabayaan ng kanilang magulang.

Tulad na lang ng kalagayan ng batang si Rommel Quemenles mula sa Quezon City na sa kanyang murang edad ay nanlilimos habang nakatira sa lansangan upang maitawid ang kanyang pagkain sa araw-araw.

Credits: Pets Clipart Library

Ayon sa kwento, si Rommel ay mag-isa lamang sa buhay dahil siya'y nahiwalay sa kanyang mga magulang simula noong siya'y bata pa at hindi rin niya kasama maging ang mga kapatid niya.

CTTO

Kaya naman dumurog sa puso ng marami matapos kumalat ang litrato niya sa social media kasama ang kanyang alagang aso na mas kilala bilang si Badgi.



Si Badgi ay isang asong kalye at ito ang kasa-kasama ni Rommel sa bangketa kung saan sila nakatira. Dahil na din sa hirap ng buhay, hindi na naipagpatuloy ng bata ang kanyang pag-aaral.

CTTO

Ayon sa nakakita sa kanila, tuwing gabi ay magkayakap pa ang dalawa kung matulog kaya naman hindi umano nabababag ang bata kahit na delikado ang kapaligiran. Panatag umano siya dahil kasama niya si Badgi. Kaya naman, maging sa pagkain ay magkahati sila nito at tuwing makakadiskarte si Rommel ng pagkain ay binibigyan niya palagi ang alagang aso.

Mahirap man iraos ang araw-araw, pinipilit ng bata na suklian ang katapatan at pagmamahal ng kanyang alaga sa pamamagitan ng pag-aaruga at pagpapakain niya rito.

Samantala, matapos kumalat ang nakakaantig na istorya ng pagkakaibigan ng dalawa, may ilang nagpahatid ng tulong sa kanila at nakapag-aaral na muli ang bata.




Source: 1