Isa si Kat Alano sa mga nag-react nang “mabuhay” muli ang r*p3 case laban sa aktor/comedian/TV host na si Vhong Navarro.
Kat Alano and Vhong Navarro / Photo credit to the owner
Si Kat ay dating model at VJ na nagsabing naging biktima siya ng r*p3 nang siya ay 19 years old lamang noong 2005. Ayon kay Kat, isang sikat na "celebrity" ang nang-r*p3 sa kanya.
Kahit hindi direktang pinangalanan ni Kat ang "celebrity" na nanggah*sa umano sa kanya, may mga clue siyang ibinigay na malinaw na tumutukoy kay Vhong.
Taong 2020 ay ibinahagi ni Kat ang diumano’y pananamantala sa kanya ng isang personalidad na itinago niya sa alyas na #RhymesWithWrong o ang ibig sabihin ay katunog ng salitang ‘wrong’ ang pangalan ng nanamantala sa kanya.
Kat Alano and Vhong Navarro / Photo credit to the owner
Kat Alano / Photo credit to the owner
Ngunit bakit nga ba hindi nagsampa ng kaso noon si Kat?
Paliwanag ni Kat, hindi na siya nagsampa pa ng kaso laban kay #RhymesWithWrong dahil sa makapangyarihan diumano ang mga kamag-anak nito.
“BTW,for everyone asking why I never filed.His uncle made sure that all cases against him would be dismissed.I found this out first hand.Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing,” sagot ni Kat.
Matatandaan na inakusahan noon si dating Department of Justice (DOJ) Sen. Leila de Lima ng pagbibigay ng special treatment kay Vhong.
Sinabi rin ni Attorney Ferdinand Topacio (abogado ni Deniece Cornejo) na kaya ayaw raw magsampa ng kaso noon ni Kat ay dahil sa ABS-CBN.
Atty. Ferdinand Topacio / Photo credit to the owner
Kat Alano / Photo credit to the owner
“Nag-uusap kami personally ni Kat at around the same time. Maraming naglabasan diyan noon.
“Si Kat Alano is reluctant dahil nga, e, nakikita niya noon, ang justice system ay… because of the power of ABS-CBN — no offense sa mga taga-ABS-CBN na narito — ay talagang ang nangyari, yung biktima pa ang naging kontrabida, e,” sabi ni Atty. Topacio.
“Witness naman kayong lahat kung paano siniraan yung pagkatao ni Miss Deniece Cornejo.
“E, sino namang maglalakas-loob na ganun kung lahat na mag-aakusa ng r*p3 against Mr. Vhong Navarro — regardless of his guilt or innocence — ay aalipustain ng ganun katulad ng ginawa nila kay Ms. Deniece Cornejo.
Vhong Navarro and Deniece Cornejo / Photo credit to the owner
Vhong Navarro and Deniece Cornejo / Photo credit to the owner
“Talagang matatakot ka, di ba?” dagdag pa ng abogado.
Samantala, sumuko kahapon si Vhong sa tanggapan ng National Bureau of Investigation.
Ito’y matapos maglabas ang branch 116 ng Metropolitan Trial Court sa Taguig City ng arr3st warr*nt laban kay Vhong kaugnay ng kasong acts of lascivi0usn3ss na isinampa ni Deniece noong 2014.
Ayon kay Judge Angela Din ng Metropolitan Trial Court ng Taguig City, may nakitang probable cause “to hold Navarro for trial for acts of lascivi0usn3ss” base nga sa isa sa mga reklamong isinampa ni Deniece ilang taon na ang nakararaan.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Kat sa Twitter ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil sa wakas ay nadinig na ang matagal na niyang panalangin.
"I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years," sabi ni Kat.
“After 17 years... Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim?” tweet ni Kat.
***