Larawan mula sa juantambayan |
Si Ronald Allan Kelley Poe o nakilala sa pangalang Fernando Poe Jr. o FPJ ay ipinanganak noong August 20, 1939 sa Maynila.
Si Fernando Poe Jr. ay isang aktor, direktor at politiko. Ang kanyang mga magulang ay sina Fernando Poe Sr. at Elizabeth Kelley Y Gatbonton na may mga lahing Irish American.
Ang kanyang ama na si Fernando Poe Sr. ay tubong San Carlos, Pangasinan at nagmula ang kanyang mga ninuno sa bansang Espanya kung saan ay nagnegosyo sila ng pagmimina dito sa Pilipinas.
Larawan mula sa juantambayan |
Larawan mula sa juantambayan |
Ang hindi naman alam ng karamihan ay ang pangalan na Fernando Poe Jr. ay hindi talaga ito sa kanya kundi pangalan ito ng kanyang kapatid.
Naisipan lamang nila itong ipangalan kay DA KING upang gayahin ang pangalan ng kanilang ama na si Fernando Poe Sr. na isa sa pinaka-kilalang aktor noong araw.
Taong october 23, 1951 sa edad na 35 ay namaalam ang kanyang ama na si Fernando Poe Sr. dahil sa Rabst ng aso at mula noon ay si FPJ na ang naging breadwinner ng kanilang pamilya.
Tumigil sa pag-aaral si DA KING at nagsimulang pasukin ang showbiz industry upang kumita ng malaki at matulungan ang pamilya.
Larawan mula sa cinemacrush |
Larawan mula sa cinemacrush |
Noong una ay nag-umpisa si FPJ bilang isang messenger boy sa industriya ng pelikula at hindi naman nagtagal ay binigyan siya ng mga acting role at dito na nga nadiskubre ang kanyang angkin na talento sa harap ng kamera.
Sa edad na 14 ay maswerteng biniyayaan siya ng kanyang kauna-unahang pelikula na siya mismo ang gumanap na bida na pinamagatang "Anak ni Palaris".
Si FPJ na binansagang DA King o hari ng pelikulang Pilipino dahil sa kanyang husay sa pagganap sa kanyang mga role bilang bida.
Dahil sa kanyang mga sunod-sunod na kumbinasyon ng suntok at mala-kidlat na pagbunot ng bar1l ay talaga namang hinangaan at tumatak sa isipan ng mga manunuod.
Noong taong 1968 ay ikinasal si DA KING sa aktres na si Jesusa Purificacion Levy Sonora o mas kilala sa pangalang Susan Roces.
Hindi nagtagal ay ang mag-asawang FPJ at Susan ay nag-ampon ng isang batang babae na si Grace Poe na naging Senador.
Larawan mula sa cinemacrush |
Larawan mula sa cinemacrush |
Nagkaroon naman ng anak na lalaki si FPJ sa aktres na si Anna Marin na pinangalanang Ronian Poe at nagkaroon pa ng isang anak na babae sa dati namang aktres na si Rowena Moran na pinangalanang Lourdes Virginia Moran Poe o mas kilala sa pangalang Lovi Poe.
Noong taong 2004 ay tumakbo si FPJ bilang Pangulo ng Pilipinas at dito nga ay inamin niya na nagkaanak siya ng dalawa sa magkaibang babae.
Anna Marin / Larawan mula sa PEP |
Lovi Poe and Rowena Moran / Larawan mula sa GMA Network |
Ayon sa ilang kritiko, ito daw umano ang dahilan kung bakit tinalo siya ni Gloria Macapagal Arroyo sa pagkapangulo dahil pinapahalagahan umano sa ating bansa ang pagiging sagrado ng kasal at sa naging isyu niya sa pagkakaroon ng anak sa ibang babae.
Ayon naman sa iba na tutol sa nasabing kuro-kuro ay dinaya umano si FPJ sa pagkapangalo kung kaya siya natalo na inuugnay naman sa kanyang pagkaatake sa puso.
Dismayado umano si FPJ sa naging resulta ng halalan kung kaya nalungkot siya at dinibdib niya umano ito dahilan ng kanyang maagang pamamaalam sa mundong ibabaw.
Taong Disyembre 14, 2004 ay tuluyan ng namaalam si DA KING sa edad na 65.
Larawan mula sa PNA |
Larawan mula sa PNA |
Marami ang dumalo sa naging libing ni FPJ at sa katunayan nga ay naitala ito sa kasaysayan ng Pilipinas na isa sa pinaka-maraming dumalo at nakiramay sa kanyang huling hantungan.