Marami ang nagulantang sa kahindik-hindik na pangyayari at marahil dahil na rin sa iba’t ibang kontrobersya at teorya ang lumabas sa pagkakapaty sa aktres noong Nobyembre 7, 2001.
Nadiskubre ang katawan ni Nida, na noo’y 65-taong gulang, sa likod ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Atlanta Centre building sa San Juan.
Sa isang artikulo na nilathala ng PEP ilang buwan matapos pumanaw ng beteranang aktres ay lumabas mga teorya kung sino ang gumawa niyon kay Nida.
Larawan mula sa Yes! Magazine |
Ang pangunahing pinaghihinalaan noon ay ang asawa ng aktres na si Rod Strunk dahil nagalit daw nang hindi iwanan ng pamana at lahat ay mapupunta sa nag-iisang anak ni Nida na si Kaye.
Ayon sa teorya, hindi napapayag ni Rod si Nida na gumawa ng will and testament kaya naman nag hire ito nang ta-trabaho sa asawa.
Maliban dito, hindi na rin daw maganda ang samahan ng mag-asawa at napabalita pa umanong may ibang babae si Rod at sinasaktan daw nito si Nida.*
At sa lahat ng lumabas na teorya, ito ang pinaka-pinaniwalaan ng publiko na galing din mismo sa Task Force Marsha na binuo ng PNP upang lutasin ang kaso.
Ngunit may ilang personalidad naman ang hindi kinagat ang teoryang ito, isa na dito ang beteranang radio host na si Inday Badiday.
“I admit, after covering the story for how many days, that I am sympathetic. Fall guy siya dito.
Larawan mula sa Yes! Magazine |
Larawan mula sa Yes! Magazine |
Ngunit may ilan namang kumuwestyon sa teoryang ito, isa na dito si Elena dela Paz, ang sekretarya ni Nida.
“Walang pera si Nida lately. Inutang pa nga niya nitong nakaraan ang pension ni Rod,” ayon umano sa pahayag ni Elena
At ang ika-apat na teorya naman ay ang umano’y listahan ng mga taong may malaking pagkakautang sa isang casino debtor na pinagkatiwala kay Nida nang magkasakit ang kaibigan na may hawak nito.
Samantala, Hulyo ng taong 2002 nang tuluyang sampahan ng kaso ng NBI si Rod, ngunit nakaalis naman ito ng bansa bago pa ito makasuhan.
21 na ang nakakaraan, ngunit habbang ngayon ay wala pa ring linaw kung sino talaga ang gumawa noon kay Nida.
Noong 1950s ay mas kilala si Nida na leading-lady material ng mga sikat na artistang lalaki, pero mas naging hit ang kanyang love team kay Nestor de Villa.
John en Marsha | Larawan mula sa Google |
Nakilala rin si Nida bilang Marsha sa hit na TV series na John en Marsha katambal ang King of Comedy na si Dolphy na gumanap naman na John Puruntong.