Ano na nga ba ang nangyari sa beteranong kontrabida na si Zandro Zamora matapos mawala sa pag-aartista? - The Daily Sentry


Ano na nga ba ang nangyari sa beteranong kontrabida na si Zandro Zamora matapos mawala sa pag-aartista?






Isang beteranong aktor na madalas ay kontrabida o tiwaling pulis at minsan naman ay gumanap din bilang kapatid ng Fernando Poe Jr. Ano na nga ba ang nangyari sa sikat na aktor noon na si Zandro Zamora?

 
Sa loob ng higit apat na dekada ay napakarami nang naging role ni Zamora sa pelikulang Filipino na umabot na sa higit-kumulang 200.

 
Masasabing napakahusay ng aktor ni Zamora sa kanyang mga pagganap lalo na kung bilang isang pulis na tiwali sa batas. 


Larawan mula sa Facebook


 
Si Zamora ay ipinanganak noong Disyembre 5, 1951. Siya ay mas kilala sa pagiging kontrabida ngunit siya ay nagsimula pala sa pagiging extra sa pelikulang Robina na pinagbidahan nila Gina Alajar, Gloria Romero at Luis Gonzales. 


Larawan mula sa Google


 
Kalaunan ay naging leading man si Zamora ni Vilma Santos sa pelikulang Darna noong 1975. Ngunit bago pa man siya naging kontrabida sa mga aksyon ay gumanap muna siya sa sexy movies.*

 
At dahil dito ay napansin ang kanyang matikas na tindig at magandang pangangatawan kaya naman ay napansin siya para gumanap sa mga action movies na talaga namang patok noon sa masang Pilipino.

 
Ilan sa kanyang malalaking pelikula ay ang Ang Probinsyano, Eseng ng Tondo, Isang Bala ka Lang, Birador, Totoy Hitman, Alyas Ninong, at maraming pang iba. 

 
At ang pinaka-tumatak sa mga manonood ang kanyang pagiging tiwaling pulis, siguro dahil ito rin ang kadalasang karakter niya noon sa mga pelikula.


Larawan mula sa Facebook


 
Dahil unti-unting humina ang klasikong mga pelikulang pinoy noon pagpasok ng bagong milenya ay iniwan na din ng aktor ang pag-aartista at nanirahan sa Amerika kasama ang kanyang pamilya. 

 
Kamakailan umano ay bumalik ng bansa si Zamora kasama ang pamilya para pumasyal sa mga sikat na lugar sa bansa. 

 
Ang minsang kinaiinisan natin noon ay tahimik nang namumuhay bilang isang normal na mamamayan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.