Ang misteryosong pagpanaw ng sikat na aktres noon na si Julie Vega, tinuldukan na ng kanyang ina - The Daily Sentry


Ang misteryosong pagpanaw ng sikat na aktres noon na si Julie Vega, tinuldukan na ng kanyang ina








34 na taon ang nakakalipas simula nang pumanaw ang sikat na child actress na si Julie Vega (Julie Pearl Postigo sa totoong buhay) sa kasagsagan ng kanyang kasikatan sa kanyang karera.
 
Nasa headline news pa noon ang balitang pagpanaw ng aktres noong May 6, 1985, ilang araw bago sumapit ang kanyang ika-17 kaarawan kakabit ang iba’t-ibang kwento sa pagkawala nito.

 
Ang Lovingly Yours Helen, The Movie (1984) ang huling pelikula ni Julie, at siya ay gumanap bilang Idda na sinasapian ng masamang ispiritu sa episode na “Akin Ang Walang Diyos” kasama si Coney Reyes.
 
Simula daw ng gampanan ni Julie ang nasabing karakter ay nag-umpisa na ang pagkakasakit niya kaya lumabas ang wild imagination ng mga tao lalo na ang mga taga San Miguel, Bulacan, kung saan kinunan ang huling pelikula ng aktres.

Larawan mula sa Julie Vega Fans Club sa Facebook


 
“Naniniwala kami na pinaglaruan talaga sya ng mga duwende run. May nakakakita kasi ng mga duwende sa lugar namin. Maaaring sumama sila sa kanya at nakipaglaro rin sila,” ayon pa sa isang residente ng Mt. Minalmon na si Consolacion Donseras
 
“Ayon sa sabi-sabi, nakursunadahan sya ng mga engkantong naninirahan duon kaya kinuha yung katawang-tao nya,” ayon naman sa isang lalaking residente.*
 
“Yung role n’ya parang kay Linda Blair sa ‘The Ex0rcist.’ Kataka-taka naman yung isang tulad ni Julie Vega na after doing that film, biglang bumagsak ‘yung katawan n’ya. Naging bedridden sya at na-coma pa. Tapos nanlabo yung paningin. Bakit biglaan yung ganun?” sey naman ng entertainment writer na si Peter Ledesma
 
May ilan naman na nagsasabing nagsimula umano ang mga di magandang pangyayari sa buhay ni Julie nang bilhin ng kanyang pamilya ang isang bahay sa sa Quezon City.


Poster ng Lovingly Yours, Helen (the Movie) mula sa Manila Bulletin


 
Nakaranas daw ng financial setbacks ang mga Postigo matapos ma-confine si Julie sa iba't ibang ospital sa ilang pagkakataon.
 
Ilang oras matapos ihimlay si Julie sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, napabalitang biglang tumugtog ang kanyang turntable sa kanyang kwarto at tinugtog ang kanyang phenomenal debut single na "Somewhere In My Past" na certified gold record.*

 
Matapos ang mahigit tatlong dekada, tinuldukan na ng ina ni Julie na si Mrs. Perla Postigo ang mga kwento na yumao ang kanyang anak dahil sa masamang ispiritu na sumapi umano dito nang mag shoot siya sa San Miguel. 
 
“Nag-taping sila at nahimatay daw s’ya kaya dinala sya sa Capitol Medical Center. Parang napagod lang daw. Ni-release s’ya ng doktor at hindi naman sya na-confine,” ayon kay Mrs. Postigo sa isang interview sa KMJS. 

Akala daw ng pamilya noon ni Julie ay stressed lang ito dahil sa kanyang schedule, maliban sa pag-aartista ay nag-aaral din ito.
 
“Hindi pa sya dumadaing nun, dinala na namin sya kasi nakikita namin naduduling na ‘yung mata n’ya,” dagdag ni Mrs. Postigo na ngayon ay nakatira na sa Iligan City.


Julie Vega | Larawan mula sa Manila Bulletin


 
Nagkaroon ng demyelinating disease si Julie ayon sa kanyang ina at hindi dahil sa masasamang ispiritu o engkanto.
 
Ayon sa Mayo Clinic na nakabase sa Minnesota, USA ang demyelinating disease ay isang kondisyon na nagreresulta sa pinsala sa proteksiyon na takip (myelin sheath) na pumapalibot sa mga nerve fibers sa iyong utak at spinal cord. Kapag nasira ang myelin sheath, bumabagal o humihinto ang nerve impulses, na nagiging sanhi ng mga problema sa neuro. 
 
At dahil humina din daw ang katawan ni Julie ay nagkaroon siya ng broncho pneumonia.