Noong panahong hindi pa gaanong open-minded
ang mga tao ay hindi nabibigyan ng pansin ang mga kababayan natin na may
iniindang dwarfism at sila ay kadalasan pang tampok sa mga palabas sa karnabal.
At kung mabigyan man sila ng pagkakataon na
lumabas sa mga pelikula ay napakadalang naman. Ngunit may isang tao noon na sinuwerte
sa kanyang karera.
Siya ay si Ernesto de la Cruz o mas kilala
sa kanyang screen name na Weng Weng. Siya
ay may taas na dalawang talampakan at siyam na pulgada. Siya ay isang sikat na
action star noong dekada otsenta.
Ang yumaong Pilipinong aktor ay nagbida sa
mga pelikulang aksyon na karamihan ay mga spoof ng mga pelikulang James Bond.
Si Weng Weng ay nakalista sa Guinness World Records bilang pinaka maliit na aktor na gumanap na bida sa mga sinaunang pelikula.
Si Weng Weng ay ipinanganak sa isang
simpleng pamilya sa lugar ng Baclaran noong Setyembre 7, 1957. Siya ang bunso
sa limang anak. Ang kanyang ama ay isang electrician, habang ang kanyang ina
naman ay labandera.
Nang ipanganak umano si Weng Weng ay
nagulat ang kanyang mga magulang sa kanyang liit. *
Kwento pa daw ng kapatid ni Weng Weng na si
Celing, ilang buwan din na sa box ng sapatos natutulog ang bunso nilang
kapatid. At kinailangan pa nilang gawan ng improvised na incubator noon si Weng
Weng.
Sa isang panayam noon kay Celing sa show ng
GMA na Tunay na Buhay, wala daw nasabi ang doktor sa kanila tungkol sa kondisyon
ng kanilang bunso. Tinanggap nalang umano ng pamilya na ganoon si Weng Weng, at
pinaniniwalaan din na resulta iyon ng pagkahumaling ng kanyang ina sa image ng
Holy Child na dinadala ng Our Lady of Perpertual Help habang pinagbubuntis ang
aktor.
Sa kanilang lugar, marami din daw ang
tuwang tuwa kay Weng Weng dahil sa sobrang cute nito. Binibihisan pa nila ito
noon bilang Santo Nino tuwing may parada sa Baclaran.*
Mahilig daw sa martial arts si Weng Weng kaya
naman inaral niya ito. Sa katunayan pa nga, ang dating martial arts instructor
ni Weng Weng ang nagpakilala sa kanya sa isang independent film producer na
nagngangalang Peter Caballes. Di nagtagal ay nagkaroon siya ng kauna-unahan
niyang papel sa pag-arte.
Nagtuloy-tuloy na ang pagganap ni Weng Weng
sa mga pelikula at malalaking artista din ang kanyang mga nakasama tulad nina Ramon
Zamora (1978's Chopsuey Met Big Time Papa) at Dolphy (1980's The Quick Brown
Fox).
Dahil sa kanyang kakaibang antics ay nakuha
niya ang atensyon ng isang direktor mula sa Hong Kong na si Raymond Jury, na
nagtalaga sa kanya bilang Agent 00 sa pelikulang For Your Height Only noong 1981,
na spoof ng For Your Eyes Only ng James Bond. *
Mula 1981 hanggang 1982 ay namayagpag si Weng Weng sa paggawa ng mga pelikula. Ginampanan niya ang Agent 00 sa dalawa pang pelikula: Agent 00 at The Impossible Kid of Kung Fu.
Ang huling pelikula ni Weng Weng ay ang Da
Best in the West noong 1984, kung saan kasama niya sina Dolphy, Lito Lapid, at
Panchito.
Ayon pa sa mga naka-trabaho ng yumaong aktor,
siya daw mismo ang gumagawa ng kanyang mga stunts.
Ngunit dumating nalang daw ang araw na wala
nang producer na nag hahanap at tumatawag kay Weng Weng para gumawa ng
pelikula.
Malungkot na binahagi ng kapatid ni Weng
Weng na bagamat sikat ang kanyang kapatid ay hindi daw ganap na nagbago ang
buhay nito. At ayon pa kay Celing, hindi ganoon kalaki ang natatangap ni Weng
Weng.
"Kung ano lang iabot sa kanya"
ayon umano sa kapatid ng aktor
“Weng Weng’s vehicles were popular—Height,
in particular, sold to numerous foreign territories—yet by all accounts he was
never paid a salary, let alone given a profit percentage. Instead, he was kept
as a sort of indulged pet, then discarded.” Ayon naman umano sa isang artikulo
na sinulat ni Dennis Harvey
Taong 1992, ilang araw bago sumapit ang 35-taong kaarawan ni Weng Weng ay inatake ito sa puso na kanyang ikinamatay.