Taong 2012 nang mangyari ang gulo sa pagitan ng aktor na sina Raymart Santiago, Claudine Barretto at journalist na si Ramon Tulfo sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Photo credit to the owner
Sa isang article ng ABS-CBN, ikinuwento ni Tulfo sa kanyang interview sa dzMM ang nangyaring gulo.
Aniya, pagdating niya sa arrival area mula sa kanyang Davao flight, may napansin siyang pamilyar na mukha.
“Nasa arrival area na ako, palabas na ako ng arrival area tapos may napansin akong magandang babae. Namumukhaan ko, maganda siya eh. Hindi ko naman siya nakilala. Pinagalitan ang ground stewardess ng Cebu Pacific,” panimula ni Tulfo.
Mon Tulfo / Photo credit to the owner
Maya-maya ay nakilala na niya ang babaeng sinisigawan ang isang airport personnel; si Claudine Barretto.
“Nag-sympathize ako sa kanya dahil sabi ko, tingnan mo nga naman itong Cebu Pacific bakit naman ganooon. Marami na kasing insidente itong Cebu Pacific naging inefficient sa cargo ng mga pasahero. Kaya sabi ko buti nga,” sabi ni Tulfo.
Mon Tulfo / Photo credit to the owner
Aniya, nagdesisyon siyang kuhaan ng larawan ang pangyayari nang marinig na minumura na umano ni Claudine ang airport personnel.
“Noong nakita ko na minumura na niya ang pobreng babae na mangiyak-ngiyak, ipatatanggal daw niya sa trabaho, kinunan ko ng litrato ng cellphone. Gusto ko sanang sabihin na ‘Cool ka lang, iyan namang babae, wala namang kasalanang personal sa iyo bakit mo naman minumura,’” sabi ni Tulfo.
Samantala, bigla raw lumapit si Raymart at pilit na inaagaw ang kanyang cellphone.
Claudine Barretto and Raymart Santiago / Photo credit to the owner
Claudine Barretto and Raymart Santiago / Photo credit to the owner
“Noong nilagay ko ang cellphone ko sa vest ko... nakita nung si Raymart Santiago. Pilit niyang kinukuha ang cellphone ko. Sabi niya, ‘Bakit ka kumukuha?’ Magpapakilala sana ako kaya lang nung pilit na niyang kinukuha ang cellphone ko, tinulak ko siya sabi ko wala kang karapatan na kunin ang cellphone ko. Doon nag-umpisa ang kaguluhan,” kwento ni Tulfo.
Dagdag pa niya, marami raw ang sumugod at sumuntok sa kanya kaya napilitan siyang lumaban.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Habang sinasangga ko ang mga suntok nila dahil marami sila, minumura pa ako. Ako na ang binalingan ni Claudine Barretto ng galit niya. Minumura mura na ako. Tinamaan ako eh. Noong tinamaan ako sa may mata, nagdilim na ang paningin ko,” kwento niya.
Samantala, itinanggi naman ni Claudine na si Raymart ang nagsimula ng gulo at itinanggi rin niya ang bintang ni Tulfo na minura niya ang airport personnel.
Sa pahayag ni Claudine sa interview ng dzMM, sinabi nitong nagrereklamo lamang siya sa airport personnel dahil naiwan sa Caticlan Airport ang kanilang bagahe kung saan nandoon ang gamot ng kanyang anak.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Pagbaba ho namin ng airport, naghintay po kami ng matagal sa carousel ng luggage. Walang dumating na luggage namin so lumapit kami sa ground stewardess tapos nalaman namin na naiwan pala 'yung luggage at ipapadala na lang daw,” paliwanag ng aktres.
Aniya, isa sa mga kaibigan nila ang nagsabi kay Raymart na kinukuhaan sila ng video.
“Sabi nung friend namin kay Raymart, para may nagvi-video. Lumapit si Raymart. Ang pagsabi raw ni Raymart ‘Sir, ano hong ginagawa ninyo?’ Sabi raw sa kanya ‘Anong pakialam mo?’ Tapos sinuntok siya ni Mon Tulfo,” kwento ni Claudine.
Claudine Barretto and Raymart Santiago / Photo credit to the owner
Dagdag pa niya, dalawa sa kanilang kaibigan ang sinubukang pigilan si Tulfo ngunit inatake rin sila nito.
“Noong lumapit 'yung dalawang friends namin na lalaki, bigla na lang niyang pinagsususuntok at pinagsisisipa,” sabi niya.
Sinipa rin daw ni Tulfo si Claudine ng dalawang beses nang lapitan niya ito upang komprontahin kung bakit niya sinuntok si Raymart.
“Lumapit ako sabi ko ‘Anong problema mo? Bakit ka nanununtok?’ Tapos bigla na lang humarap siya sa akin, tinadyakan niya ako ng dalawang beses sa hita tapos tinulak ako sa may counter ng sobrang lakas,” sabi ni Claudine.
Claudine Barretto and Raymart Santiago / Photo credit to the owner
Claudine Barretto and Raymart Santiago / Photo credit to the owner
Nakiusap rin ang aktres sa pamunuan ng NAIA na ilabas ang kopya ng CCTV upang makita kung sino ang totoong nag-umpisa ng gulo.
“Mga Kristiyano po kami at hindi kami sinungaling. Kung puwede po tulungan kami ng media na kulitin ang airport na tulungan kaming hingin ang CCTV ng airport,” sabi ni Claudine.
“Ayaw po nila i-release. According to them, hindi raw nakunan or chine-check pa. Hindi ko alam sino ang nagho-hold. Iyon lang po ang makapagsasabi kung sino ang nagsimula,” dagdag nito.
Hindi naman napigilan ng mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy at Erwin ang magbigay ng maaanghang na salita laban kina Claudine at Raymart.
Sa mahigit anim na minutong segment ng T3: Kapatid, Sagot Kita, ang late-afternoon public service show ng Tulfo brothers noon sa TV5, naglabas ng sama ng loob ang magkakapatid.
Binatikos din nila ang kawalan ng kontrol ng airport security sa sitwasyon. Makikita kasi sa video na hindi naging effective ang airport security sa pagpapatigil ng gulo.
Sinimulan ni Ben ang pagsasalita.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Ito ang mahirap para sa amin, hindi madaling magsalita. Baka madulas kami. Baka isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3, dahil Tulfo ang sangkot dito. Ayaw na naming mag-interview ang kapwa Tulfo sa isang Tulfo ng isyung Tulfo.”
“Ang word na dapat kong gamitin, ‘propriety,’ and at the same time yung ethics na gagamitin namin, na hindi kami mag-i-interview bagamat masama ang loob namin doon sa mga sangkot. Pakinggan niyo ang sasabihin ko, read my lips: Hindi pa tapos.”
Sumunod si Raffy. Tinawag niyang “Raymart Barretto” ang aktor, at saka nito sinabing masuwerte ito dahil nagkataon na marami itong kasama nung naganap ang gulo sa NAIA.
“Gayunpaman, I’m very proud of my kuya [Mon]. May tinamaan sa inyo. Kasi kung ang kuya ko lang, one-on-one kayong dalawa, baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali-bali ka,” ani Raffy habang itinuturo ang daliri sa kamera.
Ayon kay Raffy, isang expert sa Japanese martial arts na aikido ang kanyang Kuya Mon.
“Huwag lang sana tayong magpang-abot sa mall. Idasal mo, hijo de P.I. ka, na huwag sana tayong magkita sa mall. Ipagdasal mo ‘yan. Tumirik ka ng kandila mula ngayon. Huwag na huwag magkrus ang landas natin, P.I. ka,” sabi pa ni Raffy na halatang pinipigil ang sarili sa pagmumura.
Sumunod naman si Erwin.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Aniya, pasalamat daw ang sina Raymart at Claudine na wala siya roon nang mangyari ang kaguluhan. Sabay raw dapat sila ni Mon na darating sa airport mula sa Davao, nauna lang si Mon. Kung nagkataon na naroon siya, baka raw nasa kulungan na siya habang ini-interview kanina.
“Ito lang ang mensahe ko sa iyo, Mr. Santiago at Ms. Barretto: Saksakan kayo ng sinungaling. Maraming kahit na sinong tanungin niyo sa airport, natatawa ang mga tao roon, dahil hindi nauna ang kuya kong nagbitaw ng suntok.”
“Lalo na kay Claudine. Wala sa ugali ng Tulfo na manakit ng babae. Ni pagalitan nga nitong si ‘Tol Raffy, hindi nagagalit sa babae, at iniiwasan kahit na mali. Napakasaksakan ng sinungaling mo!”
“At ikaw, Mr. Raymart Santiago. Malakas ang loob mo dahil kinuyog niyo ang utol namin. E, masarap sana, siguro kung 4 on 8, e, kayang-kaya namin. Kung apat kami, versus walo kayo, walang problema,” sabi ni Erwin.
Nagbitaw rin ng pagbabanta si Erwin bago niya tapusin ang kanyang pagsisiwalat ng sama ng loob.
“Ako din, nagkikita tayo sa airport, ipagdasal mo lang muna at ipinapayo ko sa iyo at sa asawa mo, huwag ka munang lumabas sana. Dahil kapag nagpaabot tayo sa NAIA Terminal 1, Terminal 2, Terminal 3, tatamaan at tatamaan ka.”
“Wala akong pakialam, pati asawa mo, tatamaan sa akin. Ipagdasal mo na lamang na huwag tayong magkrus ng landas,” banta pa ni Erwin.
Bumalik ang kamera kay Ben, “Raymart, pakinggan mo ang sasabihin ko sa iyo: Binabangga ko ang mga kriminal, mamatay-tao, matinong tao. Pero kung ang gusto mo—malaking warehouse, sarado, naghihintay ang ambulansiya.”
“Last man standing, lalabas sa loob, magsasara tayo ng pinto. Titingnan ko ang galing mo. Tandaan mo ‘to,” sabi ni Ben.
Bumalik ang kamera kay Erwin na nagpahabol pa uli ng banta kay Raymart.
“Hindi pa tayo tapos, Raymart. Hindi pa tapos. Antabayanan mo lang. Antabayanan mo lang ang lintik na ganti ng Tulfo,” pagwawakas ni Erwin.
Samantala, noong 2013 ay ibinasura ng Pasay City Prosecutor's Office ang mga kasong isinampa ni Tulfo laban kay Claudine. Sinabing walang katibayan na naipakita si Tulfo para ituloy ang mga kasong attempted h0micid3, grave c0erci0n at oral defamåti0n na isinampa nito laban kay Claudine.
Photo credit to the owner
Sa kabila nito, inirekomenda naman ng piskalya na ituloy ang reklamong slight physical injuries at grave coerci0n laban kay Raymart at sa kaibigan na si Eduardo Atilano.
Sa isang larawan din noong 2014, nagkabati na sina Claudine at Raffy, dalawang taon matapos ang nangayaring gulo.
Photo credit: Claudine Barretto IG
Mayroon din itong caption na, “Peace. Had a nice afternoon with you po, sir Raffy Tulfo. Godbless po.”
Sina Claudine at Raymart naman ay naghiwalay noong 2013 ilang buwan matapos mangyari ang gulo.
***