Walang ibang hangad ang lahat ng mga magulang kundi ang kabutihan at kinabukasan ng kanilang mga anak, kaya't kahit pa sa hirap ng buhay, pinagsisikapang mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak.
Kaya ganoon narin ang sakit at pagtatampo nila kung ang kanilang pagsasakripisyo at pagmamahal ay nababalewala lang ng mga anak.
Ngunit bilang mga magulang rin, walang kahit anong lalim ng sakit noon ang kanilang matitiis basta para sa mga anak, lalo na kung may apo na silang makikita.
Pinatunayan ito ni Kerstin Berico sa nagviral na post nito sa TikTok, na kahit pa nabigo niya ang kanyang ama sa mga plano nito para sa buhay niya hindi maitatanggi ang malalim na pagmamahal nito sa kanila.
Kwento niya, maaga siyang nag-asawa matapos siyang grumaduate sa kolehiyo, ang mismong panahong walang mapagsidlan ng sama ng loob ang nararamdaman ng Tatay niya.
"Wag na wag kang magpapakita dito sa bahay kapag nabuntis ka!!!," ito ang galit na binitawang salita ng kanyang ama.
"Kasi po ganito po yun, nagkaroon po kasi kme ng tampuhan ng papa ko humantong sa umalis ako sa bahay at bumukod kme ng bf ko, actually 4yrs in relationship po kme,"
"Graduate po ako ng Tourism at nakapagtrabaho na ng isang taon bilang CSR. Bali nagplano po ako na bumukod na lang then mag work tapos mag support sa family ko,"
Itinaguyod sila ng kanyang ama sa sinasahod nito sa pagiging secuirty guard, kaya't inaasahan siya bilang nakapagtapos na sa pag-aaral na tumulong sa pag-aaral ng mga nakakabatang kapatid.
"Kasi po ayaw pa talaga ni papa na mag asawa ako kasi po inaasahan nya po ako na mapagaral ko pa mga kapatid ko. 8 ksi kme magkakapatid. So parang na dissapoint ko po ang parents sa nangyare sakin. Isa kasi sa pangarap ko maging flight attendant po."
Hanggang hindi siya matiis at humupa na ang nararamdaman ng ama lalo na't may aasahan na silang apo.
"Sorry papa, if Hindi ko natupad pangarap ko 🥺 Salamat sa pagmamahal mo sa apo mo 😩,"
"Yes mam okay na okay na kme 😊 papa ko po mismo nagsabe na bumalik ako sa bahay para masubaybayan nya pagbubuntis ko hanggang sa manganak ako,"
"Bali dito din kme nakatira ngayon ng asawa ko kila papa, dipa po kme makapag bukod kasi malapit po anak ko kay papa makalolo po, siguro pag 1yr old na po si caleb bubukod na kme."
Ipinangako ni Kerstin sa ama na ipagpapatuloy parin niya ang panadaliang natigil na pangarap para sa pamilya niya.
"Promise ko po sa papa ko na Hindi naman don hihinto ang mundo ko, wala sa plano si caleb pero binigay sya sakin/samin ng diyos isang malaking blessing po yun at yun ang pinakamagandang nagyare sa buhay ko ang dumating si caleb sa buhay ko.
Pwede ko pa naman ituloy ang pangarap ko eh, kasama ang anak ko 😉"
***
Source: KAMI
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!