Sino nga ba sa ating mga lolo’t lola ang hindi makakakilala kay Fred Panopio? Siya ay isa sa mga OPM Legend at Music icon ng Philippine industry noong dekada 70s.
Fred Panopio / Photo credit to the owner
Si Alfredo Panopio o mas kilalang Fred Panopio ay haligi ng pinoy novelty music at isinilang noong February 2, 1939 sa bayan ng Nueva Ecija.
Pinasikat ni Fred at talaga namang tumatak sa mga Pilipino gaya ng Pitong Gatang, Mani, Gloria Gloria Labandera, Turistang Bilmoko, Kawawang Cowboy, Markado, Tatlong baraha at marami pang iba.
Hindi lang isang singer si Fred, isa rin itong aktor/comedian. Gumanap siya sa maraming pelikula noong 60s at 90s'.
Fred Panopio / Photo credit to the owner
Fred Panopio / Photo credit to the owner
Nakasama ni Fred ang mga bigating artista gaya nina Max Alvarado, Panchito, Paquito Diaz, Edu Manzano, Herbert Bautista, Sharon Cuneta, Lito Lapid at marami pang iba.
Mas nakilala si Fred sa kanyang pag-awit ng yodeling style novelty noong 70s’.
Isa sa mga pelikulang lumabas si Fred ay ang ‘Pitong Gatang’ kung saan nakasama niya ang King of Philippine action movies na si ‘Da King’ Fernando Poe Jr. at si Robin Padilla naman sa pelikulang ‘Manila Boy.’
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Si Fred ang kumanta sa theme song ng pelikulang ‘Pitong Gatang’ na talaga namang naging hit song noon.
Siya rin ang kumanta ng theme song sa pelikula ni Lito Lapid na ‘Leon Guerrero noong 1982.
Samantala, noong 1999 ay nakasama naman ni Fred ang Jukebox King na si Victor Wood. Silang dalawa ay naglabas ng kanilang album na tinawag nilang certified Jukebox Kings.
Victor Wood / Photo credit to the owner
Victor Wood / Photo credit to the owner
Nagmula ang pangalan ng kanilang album dahil silang dalawa ay napaka-popular noong 70s at madalas marinig ang kanilang mga awitin sa jukebox.
Marami sa kanilang awitin ay laging maririnig noong panahong iyon.
Dahil sa kasikatan ni Fred, napasama siya sa tinatawag na OPM Legends ng musikang Pilipino.
Matagal na panahon din naging aktibo si Fred sa Entertainment scene.
Fred Panopio / Photo credit to the owner
Samantala, isang malungkot na balita para sa mundo ng musika nang pumanaw si Fred noong April 22, 2020 sa edad na 71 dahil sa sakit sa puso.
Naiwan ni Fred ang kanyang asawa at isang anak na babae.
Hindi malilimutan ang kanyang mga awitin na talaga namang kinagiliwan ng maraming Pilipino dahil sa kanyang nakakaaliw na boses.
Narito ang kanyang awiting 'Pitong Gatang.'
***