5 rescuers sa Bulacan na nasawi habang ginagawa ang kanilang tungkulin, kinilalang mga bayani at paparangalan - The Daily Sentry


5 rescuers sa Bulacan na nasawi habang ginagawa ang kanilang tungkulin, kinilalang mga bayani at paparangalan







Matapos manalasa ng bagyong Karding nitong nakaraang gabi ay nag-iwan ito hindi lang ng bakas ng pagkasalanta sa bansa kundi pati pighati sa mga pamilyang nagluluksa matapos masawi ang apat na rescuers na nagbuwis ng buhay para iligtas ang mas nakararami.

 
Kinilala ang limang miyembro ng rescue team bilang sina George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion, at Marby Bartolome.


 
Itinuturing na mga bayani ang magigiting na rescuers na bahagi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nagsagawa ng rescue mission sa bayan ng San Miguel sa Bulacan, na isa sa bayan na matinding tinamaan ng bagyo.

 
Ayon pa sa ulat ng PEP ay magkakahiwalay na nakita ang mga labi ng rescuers sa Brgy. Camias sa San Miguel.

 
Kinaumagahan, Setyembre 26 umano nang makatanggap ng tawag ang tanggapan ng mga awtoridad tungkol sa limang nasawi sa nasabing bayan.




 
Dinetalye naman ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang mga pangyayari at aniya, may nakakita pa raw sa mga rescuers na bumaba mula sa kanilang truck matapos itong tumirik.

 
Sumakay daw ang mga ito sa bangka para magpatuloy sa kanilang pag rescue ng mga nasalanta lalo na ang na trap sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa lakas ng hangin at baha.*

 
Ngunit habang nasa bangka at naglalayag ay biglang umanong rumagasa ang daloy ng tubig-baha hanggang sa mawasak ang isang bahagi ng pader na humampas sa kanilang bangka.


Larawan mula sa News5



 
Dahil dito ay inanod ang mga rescuers at natagpuan na lang ang kanilang mga katawan na wala nang buhay sa iba’t ibang oras at lugar kinaumagahan. 


Isa sa pamilya ng nasawing rescuer | Larawan ni Jeff Canoy ng ABS CBN News


 
Maliban sa tulong na ibibigay mismo ni Fernando ay napag-alaman na bibigyan din ang lima ng mataas na parangal ng Pamahalaang Panlalawigan. At ang kani-kanilang pamilya na naulila naman ay makakatanggap din ng tulong.


 
Samantala, patuloy ang pakikipagdalamhati ng mga netizens sa mga nasawing rescuers na nagbuwis ng buhay para makapagligtas ng kapwa.