Zsa Zsa Padilla, ipinasilip ang napakalawak na lupain ni Comedy King Dolphy, Ang DOLPHYVILLE! - The Daily Sentry


Zsa Zsa Padilla, ipinasilip ang napakalawak na lupain ni Comedy King Dolphy, Ang DOLPHYVILLE!



Sino nga ba naman ang makakalimot sa nag-iisang hari ng komedya sa Pilipinas na si Rodolfo Quizon o mas kilala sa tawag na Dolphy.

Ang hindi mabilang na mga pinagbidahang palabas at pelikula ni Mang Dolphy ang siyang magsisilbing patunay kung gaano kahusay sa larangan ng pag-arte at pagpapatawa ang namayapang aktor.




Sa dami ng nagmamahal at iniwang alaala ng batikang komedyante, isang paggunita at pagalala ang pinaplanong gawin ng pamilya nito para sa kanya.

Sa pangunguna ng asawa ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla, isang Museo ang kanilang balak ipatayo sa Brgy. Talisay Calatagan, Batangas.

Sa lugar na ito makikita ang napakalaking lupain ng aktor na kung tawagin ay Dolphyville Estates.

Zsa Zsa Padilla | YouTube

Zsa Zsa Padilla | YouTube


Sa vlog ng Divine Diva na si Zsa Zsa, ibinahagi nito ang kanilang plano at ipinasilip na rin ang maaliwas at malawak na lugar sa Batangas.

Kasama niya rito ang mga anak ni Dolphy na sina Epy at Zia Quizon.

Aniya, nasa kalagitnaan ng kanilang pagsasama ng namayapang asawa nang bilhin ni Dolphy ang lupaing iyon.

"Naalala ko ‘yung amount kasi sobrang layo na kung ano ‘yung worth niya ngayon."

Zsa Zsa Padilla | YouTube

Zsa Zsa Padilla | YouTube


Idinetalye naman ni Epy na nasa 14 ektarya ang kabuuang sukat ng nakakalulang lupain ng kanilang ama.

"The whole estate is about 14 hectares. This used to be the Quizon's family Mango far, and then they converted into residential property."

Gaya ng ama, nagbiro pa ito na sa dami na kalye sa lugar ay pwede na itong ipangalan sa lahat ng anak ni Mang Pidol.

Zsa Zsa Padilla | YouTube

Zsa Zsa Padilla | YouTube


Humirit naman si Zsa Zsa na kung kukulangin ay pwede ring isama ang pangalan ng kanyang mga naging asawa.

Pero plano talaga nila na ang ipangalan ang mga kalye base sa mga karakter na ginampanan ng kanilang ama.

Sa pinakatuktok ng lugar na kanilang kinatatayuan, nakatakdang itayo ang Dolphy Manor at ito ang masisilbing Museo kung saan ilalagak ang mga naiwang kagamitan at memorabilia ng hari ng komedya.

Dolphy | Facebook