Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahahanap o nakikita si Jovelyn Galleno, ang babaeng pumasok sa isang mall ngunit hindi na raw nakalabas.
Jovelyn Galleno / Photo credit to the owner
Biyernes ng gabi, Agosto 5, 2022 ay hindi na nakauwi sa kanilang bahay si Jovelyn, 22 years old, isang B.S Criminology graduating student.
Sa isang kuha ng CCTV ng mall noong Agosto 5, nakitang pumasok sa loob si Jovelyn. Ngunit ang kanyang paglabas ay wala raw maibigay na footage ang management ng Robinsons Place Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa kapatid ng dalaga, 6:30 ng gabi ang labas ni Jovelyn sa Robinsons Mall at sumasakay ito ng multicab pauwi.
Kuha ng CCTV papasok ni Jovelyn Galleno sa Robinsons Mall / Photo credit to the owner
Kuha ng CCTV papasok ni Jovelyn Galleno sa Robinsons Mall / Photo credit to the owner
Alas 7 hanggang 7:30 naman ng gabi nakakauwi na ng bahay si Jovelyn. Kaya labis ang pagtataka at pag-aalala ng mga magulang ng dalaga mag-aalas 10 na ng gabi ay hindi pa rin ito nakakauwi.
Kwento ng kapatid ni Jovelyn na si Jocelyn Galleno, nakapag-chat pa ang kanyang ate ng kung "ANO ULAM"? mga pasado 6:37pm. Ang pinaka huling chat nito ay "SABIHIN MO KAY MAMA BUKAS PA AKO MASAHURAN KAY WALA SI MAAM.”
Photo credit to Jocelyn Galleno
Photo credit to Jocelyn Galleno
Pinuntahan na umano nila ang lahat ng kanilang kamag-anak at kakilala ng dalaga na posibleng puntahan nito ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nakikita.
Labis ang sama ng loob ng pamilya ni Jovelyn dahil hanggang ngayon, sa kabila ng matinding pakiusap kasama ang PNP ay hindi pa rin ibinibigay ng Robinsons Mall Management ang CCTV footages sa loob at labas ng kanilang bisinidad.
Isang linggo pa daw pwedeng ibigay ng management ang mga footages dahil kailangan pa itong ipaalam sa higher management.
Photo credit to Jocelyn Galleno
Photo credit to Jocelyn Galleno
Nananawagan naman si Puerto Princesa City Councilor Elgin Damascosa sa Robinsons Mall na tumulong sa imbestigasyon at kaawaan ang pamilya ng dalaga na kulang nalang lumuhod upang sila'y pakiusapan na ilabas ang CCTV footages.
Samantala, nagsalita na ang Robinson’s Mall sa naging kahilingan ng mga otoridad at ng publiko na ilabas ang mga CCTV footage ng establisyimento upang maging tulong sa paghahanap kay Jovelyn Galleno na anim na araw nang nawawala.
Sa sulat na ipinadala ng mall kay CIO Richard Ligad na sya ring Public Order & Safety Officer ng lungsod, iginiit ng mga itong wala silang itinatago o hindi nais maisapublikong kuha ng kanilang CCTV.
Aminado naman ang mga ito na hindi nakunan ng kanilang CCTV ang paglabas ni Jovelyn sa mall dahil ang ilan umano sa kanilang mga CCTV ay sira o hindi gumagana noong August 5, 2022.
Itinuturong dahilan ng pamunuan ng mall ang pagkawala ng daloy ng kuryente at ang patay-sinding serbisyo ng power provider sa lungsod ng Puerto Princesa.
Dahil sa pangyayaring ito, muling binuhay ng mga netizens ang urband legend patungkol sa 'taong ahas' na kumukuha umano ng mga babaeng kanyang magustuhan o matipuhan.
***