Tuesday Vargas sa pagtitinda ng kung ano-ano: “Marangal na kabuhayan ang pagbebenta at hindi ko ito ikinahihiya!” - The Daily Sentry


Tuesday Vargas sa pagtitinda ng kung ano-ano: “Marangal na kabuhayan ang pagbebenta at hindi ko ito ikinahihiya!”



Para sa aktres na si Tuesday Vargas, hindi niya ikinakahiya ang pagtitinda ng kung anu-ano dahil ito ay isang marangal na kabuhayan.
Tuesday Vargas / Screengrab from her Facebook account

Sa kanyang Facebook account, ipinaliwanag ni Tuesday kung bakit siya nagla-live selling.

“May mga nag PM sa akin at tinatanong bakit daw ako nag la live selling pa eh artista na daw ako. Simple lang naman po.

“Sa loob ng dalawang oras ng live selling meron na akong pang bayad ng internet at pang grocery.
Tuesday Vargas / Screengrab from her Facebook account
Tuesday Vargas / Screengrab from her Facebook account

“Napaka dami ko pong gamit at damit na hindi na po napapakinabangan, maaari pa itong magkaroon ng pangalawang buhay sa miners natin.

“Marangal na kabuhayan ang pagbebenta at hindi ko ito kinakahiya.

“Lahat ng oras na libre ay ginagawa kong kapaki pakinabang dahil nanay ako at gusto kong punuan ang pangangailangan ng pamilya ko. So yun na nga po,” paliwanag ng aktres.

“Huwag pong magtaka or husgahan ang aking ginagawa. Sa lahat naman po ng mga tumatangkilik, salamat po talaga sa inyo.

“Malaking tulong ito sa pamilya namin. Mabuhay ang lahat ng small business owners! Saludo po ako sa inyo. Happy weekend guys!” dagdag pa niya.

Dahil dito ay maraming netizens ang humanga sa aktres.

“Mas maganda ngang madaming sources of income eh. Hangga’t kaya nating kumayod, kayod lang. More power to you, Marse! Agree mars! Walang dapat ikahiya basta marangal at legal, plus may kasamang live entertainment ang mga live selling mo.”

“Proud of you, continue what you are doing for the good of your family. God bless you.”

“Salute sa yo madam Tuesday Vargas !!! Just love what u’re doin right now…mahalaga masaya ka at nkkapagpasaya ka sa iba.”

“Go lang ms tuesday! I salute your attitude in life po. God bless.”


***