Tinaguriang hudas ng pelikulang Pilipino na si Romy Diaz, ganito pala ang tunay na nangyari sa kanyang buhay - The Daily Sentry


Tinaguriang hudas ng pelikulang Pilipino na si Romy Diaz, ganito pala ang tunay na nangyari sa kanyang buhay



Larawan mula sa listal

Si Jose Romeo Bustillos Diaz o nakilala sa pangalang Romy Diaz ay ipinanganank noong Nobyembre 28, 1940 sa Arayat, Pampanga at ang kanyang mga magulang ay sina Maria Bustillos at Silvino Diaz na isang Mexican American.


Si Romy Diaz ang nakababatang kapatid ng isang batikang actor na binansagang hari ng kontrabida sa mga pelikula na si Paquito Diaz na ama naman ng isa ring kilalang artista na sina Joko Diaz at Cheska Diaz.

Larawan mula sa listal

Larawan mula sa listal

Si Romy ang isa sa mga itinuturing bilang pinaka-magaling at batikang kontrabida sa larangan ng pelikulang pilipino.


Tila nga naman tumatak na sa isipin ng mga Pilipino ang napakalakas at nakakatakot na kanyang istilo sa pagtawa na talaga namang bagay na bagay sa kanyang role bilang isang kontrabida sa mga pelikula.


Hindi nga maitatanggi na nasa lahi ng Diaz ang pagiging magaling na kontrabida sa larangan ng pag-arte sa harap ng kamera.


Ang hindi naman alam ng karamihan ay bago pa man sumabak si Romy at kuya nitong si Paquito sa pag-arte ay nauna na silang nakilala bilang mga magagaling na manlalaro ng basketball.


Parehas ang magkapatid na may ibubuga pagdating sa paglalaro ng basketball ngunit mas umangat at nakilala si Romy Diaz dahil sa husay niyang maglaro sa court at sa mga nagawa nitong record sa mga sinalihang liga.


Noong taong 1960 ay naglaro siya bilang isang varsity sa FEU Tamaraw at tinalo nga nila ang defending champion na UST at ang nakakabilib kay Romy ay gumawa siya ng 40 puntos sa larong iyon, ang pinakamataas na puntos na nagawa ng isang manlalaro sa buong season na iyon.

Larawan mula sa Pinterest

Larawan mula sa Pinterest

Hindi pa dito nagtatapos ang nakakabilib na ipinamalas ni Romy sa larangan ng basketball dahil ang sumunod na season ng liga ay nilagpasan niya ang dating record nito dahil gumawa lang naman siya ng 44 na puntos sa isang laro.


Marami ang humanga at talagang tinitingala si Romy pagdating sa paglalalro ng basketball.


Naging maganda ang naging karera ng magkapatid na Romy at Paquito sa larangan ng basketball at dito na nga nila umpisang pasukin ang pag-aartista.

Larawan mula sa listal

Larawan mula sa listal

Sa pagiging aktibo sa paglalaro ng basketball ay dito naman niya nakilala ang kanyang ka-team na si Sergio Santiago na isa palang direktor at producer ng pelikula.


Dahil matikas ang pangangatawan at malakontrabida nitong itsura ay agad siyang nakuha bilang artista at ang kauna-unahan niyang naging pelikula ay ang "Kid Brother" noong 1968, kasama niya rito ang kapatid na si Paquito Diaz at kaibigang si Joseph Estrada.


Dito na nag-umpisa ang kanyang karera sa industriya ng showbiz at unti-unting iniwan ni Romy Diaz ang pag-lalaro ng basketball upang harapin ang kanyang tadhana sa pag-arte.

Larawan mula sa listal

Dahil sa angkin talento sa pag-arte ni Romy ay naging sunod-sunod ang kanyang proyekto na minsan ay gumaganap pa bilang komedyante at kung minsan naman ay sidekick ng bida, ngunit mas epektibo pa rin talaga sa kanya ang pagiging kontrabida sa pelikula.


Si Romy Diaz ang tinaguriang hudas ng pelikulang Pilipino dahil angkop na angkop sa kanyang itsura ang pagiginng kontrabida kung saan mayroon itong malaking boses, kulot na buhok, makapal na begote at ang kanyang halakhak na mala-dracula na talaga namang epektibong kinaiinisan ng mga manunuod.


Naging sunod-sunod ang kanyang naging proyekto sa showbiz at dito na nga niya naging kaibigan si Da King Fernando Poe Jr. kung saan nakakasama nito sa kanyang mga pelikula si Romy bilang isang epektibong kontrabida sa mga palabas.


Nagpatuloy ang pamamayagpag ni Romy sa mundo ng showbiz at sa katunayan ay mahigit isang daang pelikula rin ang nagawa niya simula noong taong 1960s hanggang 1990s na nagbigay karangalan sa kanya.


Tunay ngang malaki ang kanyang naitulong sa mga bidang artista dahil isa siya sa sangkap ng pelikula na nagbigay kulay at patingkarin ang kulay ng mga ito dahil sa epektibong pagganap bilang isang kontrabida.


Dahil sa pagiging epektibong pagganap ni Romy bilang isang kontrabida ay hindi maitatanggi na isa siya sa dahilan upang mabigyang kulay at patingkarin ang role ng bida sa mga pelikula.

Larawan mula sa listal

Sa kabila ng kanyang magandang karera sa pag-arte ay noong mga taong 2000 ay tila hindi na siya nakikitang lumalabas sa mga pampelikulang Pilipino.


Ayon sa balita ay lumagay na sa tahimik si Romy habang pinapalakas ang kanyang sarili sa pakikipaglaban sa kanyang sakit sa dila na nakuha nito sa malakas na paninigarilyo.


Makaraan ang ilang taon simula ng huli nitong pelikula ay si Romy Diaz ay tuluyan ng namaalam sa edad na 64 noong May 10, 2005 limang buwan bago pumanay si Fernando Poe Jr.


Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***