Minsan ka na din bang nasabihan na ang sulat kamay mo ay parang "kinalahid ng manok" o tila "sulat doktor"? Ito ang ilang palasak na biruan o asaran sa eskwelahan kaya naman hindi makakaila na marami sa atin ang nagnanais ng malinis, maganda at kaaya-ayang sulat kamay.
Kaya naman kinabilaban sa buong mundo ang sulat-kamay ng isang Year 8 student na si Prakriti Malla mula sa bansang Nepal dahil sa kanyang pampihirang talento sa pagsusulat.
Nadiskubre ang galing ng estudyante matapos niyang magpasa ng takdang aralin na talaga namang ikinamangha ng kanyang guro at mga kapwa mag-aaral. Bukod sa hindi pangkaraniwang handwriting skills kumpara sa mga kapwa niya estudyante, makikita ang malinis, maayos, malinaw at pantay-pantay na sulat na tila isang computer font.
Makikita sa larawan ang pulidong sulat kamay na bata at aakalain mong ito'y computerized.
Dahil dito tinawag ang sulat kamay ng bata na "most beautiful handwriting in the world". Bukod dito, nagtamo rin siya ng espesyal na pagkilala mula sa Nepalese government.
Mayroon ding ilang mga mungkahi na gawing isang Microsoft font ang sulat ng estudyante dahil sa nakakabilib na sulat kamay nito.
Lubos naman ang pasasalamat ni Malla matapos magtrending at dumugin ng atensyon ang kanyang sulat kamay sa mga social media platforms.
Ikaw, minsan mo na din bang pinangarap ang ganitong sulat kamay?
Source: 1