Photo credit to Bernadette Sembrano YT Channel |
Tuwing sasapit ang 'Ber Months', nakaabang na ang mga netizens sa kanyang pagdating. Mararamdaman ang kanyang presensya hindi lamang sa radyo, tv, malls at establishments, kundi higit sa social media kung saan sikat ang kanyang mga 'memes' na pailip-silip at kumakalat online.
Siya ay walang iba kundi ang sikat na beteranong singer na si Mr. Jose Mari Chan, ang tinaguring 'Mr. Christmas' na talaga namang sikat tuwing sasapit ang Pasko.
Photo credit to Bernadette Sembrano YT Channel |
Sa paglipas ng mga taon, ibinahagi niya sa iba't ibang henerasyon ang kanyang mga walang kupas na awitin pero espesyal at katangi-tangi talaga ang kanyang mga Christmas songs, lalo na ang kantang 'Christmas in our Hearts'.
Paano nga ba niya ito nabuo at ano ba ang kwento sa likod ng sikat na Pamaskong kantang ito?
Sa isang vlog, itinampok ang sikat na mang-aawit at dito ay kanyang ibinahagi ang buong kwento kung paano niya nabuo ang nasabing kanta.

Photo credit to Philstar |
Ani Chan, nilikha niya ang 'melody' ng kanta matapos siyang tawagan ng isang kaibigan sa kolehiyo para sa ika-25 anibersaryo ng kanilang klase. Isinulat niya ang tulang 'Ang Tubig Ay Buhay' bilang adbokasiya nila, na nanagpapakita sa halaga ng yamang tubig. Inilagay niya ang himig sa isinulat niyang tula. Ginamit ang kantang iyon para sa kanilang 'Homecoming'.
Pagkalipas ng dalawang taon, kasunod ng tagumpay ng kanyang Constant Change album, sinabihan siyang lumikha ng isang Christmas album. Pinagsama-sama niya ang mga paboritong Christmas songs pero ang hiling ng producer ay original na kanta.
Kaya naman naisip niyang gamitin ang melody ng ang 'Ang Tubig Ay Buhay' para sa gagawing Christmas song. Aniya, umabot na ng Setyembre ngunit hindi pa rin niya natatapos ang lyrics ng kanta hanggang sa isang araw, galing siya sa simbahan kasama ang pamilya ng biglang may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan at nagbigay ng isang 'card'. Nagpakilala itong si Rina Cañeza, isang baguhang song writer.
Photo credit to Jose Mari Chan | Facebook |
Naisip niya diumano na makipag-collaborate rito kaya naman pinuntahan niya ito sa bahay at binigyan ng cassette tape ng 'melody' at matapos ang ilang araw ay binalikan siya ni Cañeza at ibinalitang nakabuo na siya ng pamagat kasama ang opening verse ng kanta.
Matapos ay sinimulan nila itong gawin, iwasto ang mga lyrics hanggang sa mabuo at matapos ito.
Simula noon, sobrang sumikat ang kanta at maririnig sa bawat sulok ng bansa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Ngunit sino ba si Jose Mari Chan kapag hindi niya kinakanta ang Christmas in our Hearts?
Matapos ay sinimulan nila itong gawin, iwasto ang mga lyrics hanggang sa mabuo at matapos ito.
Simula noon, sobrang sumikat ang kanta at maririnig sa bawat sulok ng bansa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Ngunit sino ba si Jose Mari Chan kapag hindi niya kinakanta ang Christmas in our Hearts?
Photo credit to Bernadette Sembrano YT Channel |
Ani Chan sa buong taon, 4 buwan lamang siyang si Mr. Christmas at sa natitirang buwan ay isa siyang businessman. Mahilig din siyang mag-travel sa ibang bansa kasama ang pamilya at manood ng mga orchestras. Isa siyang family man na top priority ang pamilya, higit sa kanyang career. Isa rin siyang misyonaryo na may malaking pananampalataya sa Panginoon.
Source: Bernadette Sembrano | YouTube