Larawan mula sa wowcordillera |
Tila tuloy-tuloy ang pagsikat ng isang street mime performer o kilala sa pangalan na 'Green Man' o 'Green Soldier' na matatagpuan sa City of Pine.
Dinarayo pa ng mga turista ang nasabing performer dahil sa angkin nitong talento sa pagpapatawa at pasusuot ng ibat-ibang mascot.
Gayunpaman, mas nakilala ito ng mga tao sa kanyang bihis na berdeng sundalo na mahilig pagpatawa sa mga turista na dumadayo para makita siya.
Larawan mula sa wowcordillera |
Larawan mula sa PEP |
Napag-alaman naman na ang lalaking nasa likod ng misteryosong costume ay walang iba kundi si Jhonwel Reyes na tubong Valenzuela ngunit matagal na itong naninirahan sa Baguio upang magtrabaho.
Ayon sa pagsasaliksik, si Jhonwel ay maraming pinasukang trabaho sa Baguio bago siya sumikat bilang si Green Soldier.
Napag-alaman na si Jhonwel ay dating namasukan bilang isang pedicab driver, construction worker, janitor, service crew at pagiging factory worker.
Nagsimula si Jhonwel sa pagiging mime performer nang maimbitahan siya ng kanyang mga kaibigan sa Manila upang magtanghal bilang isang mime artist.
Larawan mula sa wowcordillera |
Larawan mula sa wowcordillera |
Dahil dito ay unti-unting inaral ni Jhonwel ang tamang galawan upang maging isang magaling na mime performer.
Ayon kay Jhonwel, hindi naman umano ganoon kalaki ang kinikita ng isang mime performer ngunit sapat na umano ito para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya kung kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat.
Masaya naman daw ito sa kanyang ginagawa dahil bukod sa madami siyang napapasayang mga turista ay kumikita rin ito kahit papaano.
Makikita na hango sa laruang berdeng sundalo ang kanyang character ngayon at talaga namang bentang-benta sa mga tao ang kanyang mga istilo sa pagpapatawa.
Hindi rin naman madali ang pinasok na trabaho ni Jhonwel dahil kailangan dito ay mahabang pasensya at pagtago nito sa likod ng costume ang kanyang mabigat na pinagdadaanan.
Hindi rin maiiwasan na mayroon mangilan-ngilan na ayaw sa kanya at hindi siya kinikilala bilang isang mime artist.
Sa katunayan nga ay nito lamang nakaraan ay nakuhanan si Jhonwel ng video habang nagpe-perform na tila napikon sa isang binata na inaasar siya habang nakatayo.
Larawan mula sa Tiktok |
Larawan mula sa Tiktok |
Sa video ay makikita ang isang binatilyo na lumapit kay Green Soldier upang bigyan siya ng tip ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila iniinsulto pa siya nito.
Matapos kasing ipamukha ng binata na barya lamang ang kanyang ibibigay ay tila binatukan pa niya si Green Soldier.
Larawan mula sa Tiktok |
Larawan mula sa Tiktok |
Dahil sa ginawang pang-iinsulto ng binatilyo ay hindi nakapag-pigil at dito na sumabog ang mime artist at binatukan din niya ng dalawang beses ang binatilyo.
Dahil sa video na ito ay umani ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga tao ang pangyayaring ito.
Marami ang pumanig kay Green soldier at sinasabing tama lang ang kanyang ginawa dahil masyado umanong mayaman ang binatilyong ito.
Meron din iba na hindi nagustuhan ang ginawang pagganti ng artist sa binatilyo dahil ayon sa iba ay kasama sa kanyang trabaho ang pagpapasensya.
***