"Saan Aabot ang 5K Pesos Mo?" Netizens napa-Wow sa 5K Budget DIY Wedding ng Mag-Asawa from Antipolo! - The Daily Sentry


"Saan Aabot ang 5K Pesos Mo?" Netizens napa-Wow sa 5K Budget DIY Wedding ng Mag-Asawa from Antipolo!



Photo credit to Xiong Macabuhay | Facebook

Ang kasal ang isa sa pinaka importanteng pangyayari sa buhay ng mag-asawa. Kadalasan ay talagang pinaghahandaan at pinag-iipunan ito dahil ika nga minsan ka lang ikakasal sa taong iyong minamahal.

Hindi maikakailang napakamahal na talagang magpakasal ngayon. Lalo na kung ang gusto mo ay iyong tradisyunal na kasal sa simbahan, kumpletong entourage at may photo at video pa.


Maraming kasalan na rin ang nagtrending online dahil sa pagiging engrande at magarbo ng mga ito. Ngunit mayroon ring nagviral dahil sa kakaibang mga gimik at 'low budget DIY wedding' na kahit na simple lamang ay masasabing kahanga-hanga pa rin.

Isa na rito ay ang kasalan na talagang namang nagpa-wow sa mga netizens dahil sa 5K pesos na budget lamang ng mag-asawa na taga-Antipolo.

Photo credit to Xiong Macabuhay | Facebook

Kwento ng mag-asawa na sina Geejen Berlin Monreal at Jiony Jan Macabuhay, hindi raw nangangahulugan na wala silang sapat na pera para sa engrandeng kasal. Mas pinili lamang talaga nilang maging simple lamang ang kanilang kasal kaya maliit lamang na halaga ang inilaan nila rito dahil may mas malaki silang pinaghahandaan.

Lahad ni Geejen, “Me and my husband agreed to have a simple and intimate wedding. Gaya nga ng sabi nila, kung mahal mo at sure ka, pakasalan mo na, no ifs and no buts. Communication is always the key.”

Photo credit to Xiong Macabuhay | Facebook

Dagdag pa niya, “Our main goal is to get married lang talaga and we focused more on our future plans after wedding. Mas pinaglaanan po namin ng effort magplano on what's next after the wedding, our marriage.”

At ano kaya ang “pinaglalaanan” nina Geejen at Jiony?


“Investments po and savings for our future children,” sagot ni Geejen.

Si Geejen, 29, ay isang pharmacist habang si Jiony, 30, ay isang software engineer. Kaya naman masasabing kung gugustuhin ay 'afford' naman nila ang isang engrandeng kasal. Ngunit ika nga, simple at praktikal man, ang importante ay tunay ang pagmamahalan.

Kaya naman noong July 31 nang ibinahagi ni Jiony sa social media ang mga larawan ng kanilang naganap na civil wedding na may caption na “Saan aabot ang 5k pesos mo” , ay talaga namang nagtrending agad dahil marami ang hindi makapaniwala na posible pala ito.

Ayon sa mag-asawa, noon pang October 25, 2021, sila ikinasal ngunit kamakailan lang nila naisipang i-post dahil nag-intay raw sila ng tamang pagkakataon na ibahagi ito sa iba.

Photo credit to Xiong Macabuhay | Facebook

Proud rin na ipinaalam rin ni Geejen ang breakdown ng kanilang wedding expenses, mula civil registry na may tinatayang PHP390, wedding rings na PHP999, food PHP2,500, at ang certificate for no marriage record ay PHP890.

Kung susumahin ang total na nagastos lamang nila ay P4,779.

Kwento ni Geejen, Sa PHP2,500 na budget sa food, labing-isa na ang nakakain: Ang bride at groom, ina at kapatid ng bride, ina at kapatid ng groom, lolo at lola, dalawang ninong at isang ninang.

Aniya, ang kanyang wedding dress ay regalo diumano ng kanyang ina na nabili nila ng second-hand sa Facebook Market Place. Ang reception naman ay ginawa sa isang pares business na pagmamay-ari ng kapatid ni Jiony, ang 'Ellen’s Best Pares in Town' sa Antipolo.

Nang tinanong si Geejen kung ipapayo niya ba sa iba ang praktikal na pagpapakasal, ang sagot niya ay depende iyon sa magkasintahan.

"Para sa akin po, regardless naman po if magpakasal nang practical or extravagant. Nasa couple naman po iyan nagde-depend. Because at the end of the day, it is a once in a lifetime event and ang importante is masaya kayo on that day at nagmamahalan.", pahayag niya.  




SourcePep.Ph