Ang buhay ay walang kasiguraduhan. Minsan kung sino pa yung inakala mong walang pag-asa at maaabot sa buhay, sila pa yung may makakamit ng tagumpay.
Photo credit from Nora Jane Staveley Facebook account
Kaya naman mabilis na nag-viral sa social media ang isang netizen na palaging pasang-awa noon, ngunit ngayon ay topnotcher na sa board exam.
Marami ang napabilib kay Nora Jane Staveley, ang topnotcher ngayon sa May 2022 Nurse Licensure Exam at nakakuha ng 90 percent rating.
Nagtapos siya ngayong taon sa Our Lady of Fatima University sa kursong Bachelor of Science in Nursing.
Photo credit from Nora Jane Staveley Facebook account
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Nora Jane o NJ ang kanyang mga pinagdaanan at kung nakamit ang minimithing tagumpay sa kabila ng mga hinarap na pagsubok.
“Actually, bagsak at pasang-awa na ako nu’ng fourth year. Literally nasa 3/10 o 5/10 ang mga quizzes ko. Tapos sa exams, 29/50 at 44/75,” panimulang pagbabahagi niya.
Kwento niya, taong 2015 nung may kinuha siyang test na hindi niya inakalang makakapasa siya.
“I can clearly recall how hard I prayed when I had to take the Philippine Educational Placement Test para ma-skip yung third year and fourth year ng high school.
“Need ko kasi talaga ng diploma nun dahil required para makapag-apply sa trabaho.
“Those were one of the darkest days in my life…
“And wala akong perang pang-review center sa PEPTest nun. I just grabbed whatever pang-third year at fourth year na textbooks I could find and studied for the two months I had then, and took the exam,” sabi ni NJ.
“Kasi yung mga tanong sa exam ay kung ano ang itinuturo sa third year at fourth year, eh, sabaw ako sa math. Mga trigonometry…
Photo credit from Nora Jane Staveley Facebook account
“And sobrang saya ko talaga nung nalaman kong ‘passed’ lahat! Habang bumibiyahe ako pauwi, talagang sobrang grateful ako kay God kasi malaking bagay yun na hiniling ko sa Kanya na ibinigay niya sa akin,” dagdag niya.
At bukod dito, nakatanggap din daw siya ng “bonus”, “Interestingly, on that exact same day ay nakilala ko yung partner ko!”
“Luckily things got better and I was able to afford college. So, instead na mag-work, nag-enroll ako sa OLFU, and the rest is history.”
Samantala, kuwento ni NJ, noong kailangan na niyang mag-review para sa board exam, wala raw siya sa focus dahil ikinampanya niya ang isang presidential candidate nitong nakaraang May 9 elections.
“Iniisip ko nga, delikado na ang scores ko nung fourth year, nagawa ko pang mangampanya. Nalugmok ako nung di nanalo. Tapos namatayan ako ng pusa the same month,” kwento ni NJ.
Pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon, sineryoso na niya ang pagre-review, “Sabi ko, bahala na. Twenty days na lang, pumasa o bumagsak ay bahala na.
“Basta ang gusto ko lang ay masabi sa sarili ko na I did my best at wala akong pagsisisi sa araw ng board exam. Ang gusto ko lang ay makapag-focus.
“Pinilit kong isantabi muna lahat ng masasaklap na nangyari nung college, lahat ng pain na resulta ng election, lahat ng expectations sa akin, at lahat ng pressure.
Photo credit from Nora Jane Staveley Facebook account
“Basta ang alam ko lang ay may 20 days pa ako para mag-review, at nasa akin na ‘yun kung susulitin ko talaga bawat minuto. Eventually I decided to just get back to reality and face my exams,” sabi ni NJ.
Nagbigay naman siya ng payo para sa lahat ng kukuha ng board exam.
“Familiarization is basically when you’ve studied something many times to the point where you can explain it in your own words.
“Basically, yung inaral ko today, bukas iisipin ko ulit: ‘Ano nga ba ulit yung inaral ko kahapon?’
“Mag-effort mag-aral at mag-familiarize ng mga itinuro nung college, dahil sa sobrang dami ng coverage ng exam, hindi madadaan sa memorization,” paalala pa niya.
***
Source: Bandera Inquirer