Dahil mas madali na ang pagbili ng ating mga pangangailangan sa pamamagitan ng online shopping sites, sinasamantala naman ito ng mga manloloko at kawatan.
Photo credit to the owner
Kaya naman nagbigay babala ang isang netizen na mag-ingat sa pagtanggap ng mga deliveries alo na kung wala namang kompirmasyon mula sa umorder na kamag-anak.
Sa Facebook post ng netizen na si Anne May Teves, ibinahagi nito ang isang pangyayari matapos na muntik mabiktima ng isa umanong pekeng delivery service.
Kwento ni Anne May, sinabi ng kanyang kuya na mayroon daw delivery para sa kanilang ate at cash on delivery (COD) pa umano ito.
Photo credit to the owner
Una pa lamang ay nagtaka at nagduda na ang netizen dahil ang ate nila ay dalawang taon ng nag-migrate sa ibang bansa.
"Ay kuya, wala na po dito kapatid namin. And wala din po siya sinabi samin na may delivery siya. Pasensya na po, di po namin irereceive yan (very firm ako kasi alam kong scam)," ang umano'y isinagot ni Anne May sa rider.
Mas lalo nilang napatunayan na isa itong modus nang ma-kontak nila ang kapatid at sinabing wala siyang na-order na ipade-deliver sa Pilipinas.
Ang masaklap, ang lalaking nag-deliver pa umano ang nagbantang baka mawalan siya ng trabaho dahil sa pagtanggi ng magkapatid na bayaran at tanggapin ang delivery.
Umalis na galit ang delivery rider matapos tanggihan ng magkapatid ang order.
Photo credit: Anne May Teves
Nakumpirma naman ni Anne May na modus nga ang delivery nang i-check niya ang tracking number.
Sa huli ay nagpaalala ang netizen upang hindi mabiktima ng ganitong klaseng modus.
“If kaya wag mag COD if Lazada or Shopee, wag na magCOD. Kaya di na ko nagCCOD kasi pwede naman ireport or ibalik. Use Lazada Wallet or Shopee Pay libre pa shipping.”
“Always tell your family if you have incoming deliveries so you wouldn't fall for this kind of scheme.”
Narito ang kanyang buong post:
"I never imagined we will experience this
My brother told me that my ate has a delivery from Lazada and needs to pay in cash.
Nagtataka kami dahil almost 2 years na wala dito si Ate since she already migrated and if ever man, magsasabi siya samin kung may pinadeliver siya. So naisip ko baka scam.
Delivery guy: Mam, dito po ba nakatira si Aillen Teves? May delivery po kasi siya. Nagorder po siya kahapon. P840 po ang total.
Me: Ay kuya, wala na po dito kapatid namin. And wala din po siya sinabi samin na may delivery siya. Pasensya na po, di po namin irereceive yan (very firm ako kasi alam kong scam)
Kuya ko: Kuya, baka hindi yan kapatid namin, nasa ibang bansa na siya matagal na e.
*video-called ate - para marinig ng delivery guy* *wala daw siya inorder*
Delivery guy: Mam, may ibang Aillen Teves pa po ba dito? matatanggalan ako ng trabaho pag hindi niyo po ito nireceive e
Me: Kuya, pasensya na po. Wala daw inorder ate ko. Baka po scam yan.. Di po kayo matatanggalan ng trabaho. Picturan ko nalang para ireport sa Lazada.
Delivery: Sa susunod wag kayo oorder ng di niyo irereceive! Matatanggalan kami ng trabaho sa ginagawa niyo e. (Galit)
Di na ko sumagot. Buti nalang andito kuya ko. Nakakatakot kung ako lang siguro.
Now, I checked the details. Tama nga address namin and full name ni ate (which is very alarming )
1. I checked the tracking number pero wala kahit sa LEX (Lazada Express)
2. Seller name is SELLERS
3. Cabuyao, Laguna address ni Seller, ordered kahapon, Feb 20. Feb 21 palang ngayon, isang araw lang? Usually 3 days pinakamabilis na nareceive namin e.
4. Checked the Order number sa Lazada: Order doesn't exist
Thank you sa nagpost before about this modus. Never thought we will experience this as well.
If kaya wag mag COD if Lazada or Shopee, wag na magCOD. Kaya di na ko nagCCOD kasi pwede naman ireport or ibalik. Use Lazada Wallet or Shopee Pay libre pa shipping.
Always tell your family if you have incoming deliveries so you wouldn't fall for this kind of scheme.
Maliit or malaki, your hard earned money is involved. Knowing ate na napakakuripot, di ko masisingil to pag nagkataon. Hahaha ending, yung nasa bahay pa yung maii-scam.
Stay safe everyone!"
***
Source: Anne May Teves | Facebook