Matapos ang mahigit dalawang taon na pagkakatigil ng face-to-face classes, ngayon ay ang unang araw na muling makakasampa sa loob ng paaralan ang mga estudyante.
Photo credit to the owner
Sa kanilang unang araw sa eskwelahan ay tiyak na sabik na sabik ang mga estudyante na muling makita ang kanilang mga dating kaklase at mga guro.
Subalit, may mga pagkakataon na hindi nagiging maganda ang karanasan ng ilang estudyante sa kanilang unang araw sa eskwelahan.
Katulad na lamang ng pamangkin ng netizen na si Jeannie Vargas na sinabihan umano ng ‘bobo’ at 'hayop' ng kanyang sariling guro.
Kwento ni Jeannie, iyak raw ng iyak ang kanyang pamangkin pagkauwi galing sa school. At dahil hindi nito maipaliwanag kung ano ang nangyari, isinulat na lamang ng grade 5 student ang sinabi sa kanya ng kanyang guro.
Sobrang pagkagulat at pagkagalit ang naramdaman ng ina ng bata at ni Jeannie matapos mabasa ang sinulat ng pamangkin.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Dagdag pa ni Jeannie, kung sino pa ang dapat magturo ng maganda at tamang asal sa mga bata ay siya pang gumagawa ng ikakasakit ng damdamin ng isang bata.
Awang-awa si Jeannie sa kanyang pamangkin dahil ayaw na raw nitong pumasok dahil sa takot sa kanyang guro.
“Posting for awareness and as a reminder, especially to teachers and parents, dahil gigil na gigil talaga ako today dahil sa nangyari sa pamangkin ko.
First day of school ng pamangkin ko ngayon, tapos ito yung nangyari agad sa kanya. Graduate din po ako sa elementary school kung saan sya ngayon, pero grabe, sobra naman tong teacher na to. Sobrang excited ng pamangkin ko pumasok dahil first day at first time ulit na face-to-face classes, tapos ito maexperience nya agad. Nakakalungkot, guys Grade 5 lang pamangkin ko. Pagkagaling sa school, iyak ng iyak. Sa sobrang hindi maexplain nangyari sa school, sinulat na lang nya para lang masabi sa nanay nya anong mga sinabi sa kanya ng teacher nya. At sobrang nakakalungkot at nakakasakit ng puso tong nababasa ko na sinulat nya.
Photo credit to the owner
Pano mong nasasabi mga gantong bagay sa isang 10-year old sa pinakaunang araw ng pasukan nila? Kung hindi po masaya sa pagiging guro sa mga bata, hanap na lang po ng ibang career. Wag nyong idamay mga estudyante na sumusubok pa lang lumaban sa buhay.
Hindi ako yung nakaexperience pero ramdam ko yung trauma ng pamangkin ko ngayon. Hindi man pisikal, pero pinakamasakit yung maririnig mo yung mga ganitong salita sa tao na dapat nga nagtuturo sayo ng tamang asal sa labas. Yung ineexpect mo na bilang magulang, paglabas ng bahay, yung teacher yung katuwang mo sana humubog ng bata sa labas, tapos ito yung maririnig nila?
Haaay, please po, teachers, let's do better.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Alam ko hindi lahat ganito. At saludo po tayo sa lahat ng guro na ginagampanan ng maayos ang trabaho nila. Pero, sa iba po, wag sanang ganito.
Sa US, tumataas ang rate ng mga batang nagssuicide as young as 10 years old dahil sa mga estudyante na bul1y sa school, tapos mababalitaan mo teacher mismo yung bu1ly?
Hindi po dahil bata o dahil nasa public school, pwede nyo ng ibul1y ng ganyan. Mali po kayo ng nabu1ly na bata today. At sa mga parents naman, let's check on our kids pagkagaling sa school. Minsan, baka tahimik lang pero sobra na palang pambubu1ly ang nakukuha sa school. At lalong wag po tayong matakot to stand up for our kids. Pag nakikita nila na kaya natin silang ipaglaban sa mga taong mali, matututo rin silang ipaglaban mga sarili nila balang araw.
Photo credit to the owner
Hindi nyo po deserve ang lisensya na dapat sa ibang tao na mas may malasakit sa mga bata.
Take note, yung "bobo" daw ng sinabi sa kanya, pabulong. Masyadong personal.
Photo credit: CNNPH
Napakatalino ng pamangkin ko, laging honor student sa mga dati nyang school, kaya kung para po sa proteksyon ng ibang bata pa na magiging studyante ninyo, gagawin po namin lahat para di na kayo maging teacher ng iba pa.
Kakaawa pamangkin ko ngayon, ayaw na pumasok sa sobrang takot sa teacher na to.”
***
Source: Jeannie Vargas | Facebook