Larawan mula sa GMA Network |
Walang hindi nakakakilala sa isa sa pinaka-beteranong artista sa industriya ng showbiz na si Fernando Poe Jr. o mas kilala sa pangalang "FPJ" at dahil itinuturing siya ng mga tao na hari ng pelikulang Pilipino ay tinatawag din siyang "Da King".
Siya ay naging malaking idolo ng mga tao kung kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin ng bumabalik sa kanyang mga nagdaang pelikula.
Sa edad na labing apat ay nagsimula na si Da King sa kanyang karera sa showbiz at nagtuloy-tuloy ito hanggang nakagawa ito ng maraming hit na palikula at serye sa telebisyon ng Pilipinas.
Larawan mula sa Facebook |
Larawan mula sa Facebook |
Noong taong 1967 ay nagpakasal siya sa aktres na si Susan Roces at hindi nagtagal ay napagpasyahan nilnag dalawa na mag-ampon ng isang bata at ang batang babae na ito ay si Grace Poe.
Matapos nito ay muling nagpasya ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces na tumira sa Amerika at doon pagaralin ang kanilang anak na si Grace Poe.
Ginugol ni Grace Poe ang kanyang kabataan sa Amerika at doon na rin ito nagtapos ng kolehiyo.
Larawan mula sa Philstar |
Larawan mula sa Philstar |
Bago pa man ay hindi naman sinikreto ni FPJ na nagkaroon din ito ng dawalang anak na si Ronian at Lourdes Virginia o kilala bilang si Lovi Poe.
Taong 2004 ay nagpasya si Fernando Poe na bumalik ng Pilipinas at tumakbo sa halalan bilang Pangulo ng bansa.
Sa hindi inaasahan ay sa kaparehong taon ay biglaang sumakabilang-buhay ang batikang aktor at marami ang nagulat sa balitang ito.
Ang kanyang anak na si Grace Poe ang nagpatuloy sa kanyang pamana at tumakbo ito bilang Senador ng Pilipinas.
Ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces ay mayroon napaka-laki at napaka-gandang bahay sa Quezon na ipinama na sa kanilang anak na si Grace.
Makikita na ang pamanang bahay ay pinaghalong moderno at tradisyonal na disenyo.
Larawan mula sa realliving |
Larawan mula sa realliving |
Larawan mula sa realliving |
Mapapansin na ang loob at labas ng bahay ay may kumbinasyon ng kultura at sining ng mga Pilipino na tila ang mag-asawa ang pumili ng napaka-gandang disenyo.
Ang mga dingding ng bahay ay kulay puti at ang mga materyales na ginamit sa tatlong palapag na bahay ay talaga namang dekalidad.
Puno din ng mga sentimental na halaga ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay at karamihan na dito ay mga antigo.
Larawan mula sa realliving |
Larawan mula sa realliving |
Sa katunayan ay mapapansin sa kanilang sala ang "Sarimanok" painting ng gawa ng isang tanyag na National Artist na si Abdulmari Imao at makikita rin dito ang obra ni Sandra Feller.
Sa kasalukuyan ay si Grace Poe na ang nag-mamayari ng nasabing heritage house.
Wala din umanong balak si Grace Poe na alisin ang ilang gamit ng kanyang mga magulang dahil isa ang mga ito sa naiwang ala-ala sa kanyang mga mahal na magulang.