Matandang Tita? Lolit Solis nagtataka kung bakit hindi na matakpan ng make up ang edad ni Bea Alonzo - The Daily Sentry


Matandang Tita? Lolit Solis nagtataka kung bakit hindi na matakpan ng make up ang edad ni Bea Alonzo



Photo credits: Left (@iamlolitsolis IG) | Right (@bealonzo IG)

May puna ang beteranang columnist na si Lolit Solis sa aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account kung saan niya madalas i-post ang kanyang mga opinyon sa mga bagay-bagay partikular sa mundo ng showbiz.

Nagtataka umano ang kolumnista kung bakit hindi maitago ng make up at styling ng kanyang glam team ang edad ng aktres.


Tawang tawa rin daw siya matapos niyang mabalitaan ang reaksyon umano ng Korea patungkol sa pagpuna ng mga ito kung bakit mukhang matandang Tita ni Bae Suzy (ang babaeng bida sa Start Up Korean series) ang kinuha ng Pilipinas sa remake nito ng Start Up.



Matatandaan na si Bea ang bibida rito kasama si Alden Richards na gaganap bilang Han Ji Pyeong na ginampanan ng sikat na Korean actor na si Kim Seon-ho.

Narito ang buong post:

Tawa ako ng tawa Salve sa reaction na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo. Nagreact daw ang Korea bakit mukhang matandang Tita ni Bae Suzy ang kinuha ng Pinas para sa Start Up. Ano ba iyan, talaga bang labas na wrinkles ni Bea at kahit anong gawin make up talagang kitang mukha siyang matandang Tita?

CTTO

Grabe naman hindi na matakpan ng make up at styling ng glam team niya ang edad ni Bea eh ang mahal ng bayad sa mga ito pero hirap parin ayusin ang edad. At sobra naman yon balita na kailangan mag mukhang matanda si Alden Richards para pantay tignan ang edad nila ni Bea Alonzo na mukhang Tita talaga.



Hay naku, talagang nakakaalis ilusyon ang nagaganap na discovery ngayon kay Bea Alonzo. lyon mukha siyang matanda, maraming wrinkles, laylay mga bilbil, mukhang losyang na laos na star, at marami pa after iwanan siya ni Gerald Anderson para sa mas bata at magandang Julia Barretto.


Dapat talaga nagkaruon agad ng saving releases para lumabas na bida si Bea after the break up. Kailangan sa ganitong sitwasyon meron team Bea Alonzo para sa back up ng image ni Bea. Hayun nauna tuloy iyon question, 'bakit iniwan? Hindi worth it?' Image building sana inasikaso kesa consulting a lawyer, simple management issue ng isang publicist. Wrong move Salve at Gorgy, no amount of meet and greet, kung wala naman planning ang management niya will save Bea Alonzo sa pagka laos pag ganyan takbo ng career niya. Tell me if I am wrong? Bongga.


 



Samantala, kamakailan lang ay matapang na ibinahagi ng beteranang kolumnista na siya ay kasalukuyang may karamdaman at naga-undergo ng dialysis dalawang beses sa isang linggo.

Source: 1