Isang matandang may kapansanan ang tinulungan ng mga netizens matapos hindi kunin ng customer ang pinagawang basahan o doormat.
Reynaldo Patron / Photo credit sa kanyang Facebook account
Sa Facebook post ni tatay Reynaldo Patron, inilabas nito ang kanyang sama ng loob sa isang customer na kinancel ang isang daang basahan na order.
“Grabe paghihirap ko gomawa bkt kong kylan natapos na ska mo di kokonin alauna kong matolog matapos lngtapos di pala kokonin,” sabi ni tatay Reynaldo.
Mabilis na nag-viral ang post ni tatay at sa ngayon ay umabot na sa 5.3k shares at 7.8k reactions.
Isa sa mga nag-comment ay ang netizen na si Leerioh Soliman. Aniya, kukunin na raw niya ang 50pcs na basahan.
Ang mga netizens na sina John Paul Constatino at Rovie Jean Valenzuela ay bibilhin na raw lahat ang basahan na tinda ni tatay Reynaldo.
Marami rin ang nagpadala ng tulong sa matanda sa pamamagitan ng Gcash.
Nagpadala naman ng grocery supplies ang netizen na si Rose Cabarles.
Aniya, “Maliit na tulong ko po ito para kay Tatay. Thank you so much, Lord sa lahat ng blessings at sa pagkakataon na maibahagi ko po ito sa iba kahit konti.”
***
Source: Reynaldo Patron | Facebook