Tinanggihan umano ni Diamond Star Maricel Soriano ang iconic Regal Films movie na “Katorse” na pinagbidahan noon ni Dina Bonnevie.
Diamond Star Maricel Soriano at Comedy King Dolphy / Photo credit to the owner
Ayon kay Maricel, siya raw ang gusto ni Mother Lily Monteverde na bumida sa naturang pelikula. Ngunit dahil tinanggihan niya, kay Dina napunta ang role.
Sa guesting ni Maricel sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga”, kung saan nakasama rin niya ang iba pang sikat na Regal Babies, napa-throwback nga siya sa mga nagawa niyang pelikula sa Regal Films.
Kwento niya, sa edad na 16, inalok siya na gawin ang “Katorse” na idinirek ng namayapang filmmaker na si Joey Gosiengfiao.
Nakasama noon ni Dina ang yumaong aktor na si Alfie Anido at si Gabby Concepcion.
Aniya, hindi raw niya ginawa ang naturang pelikula dahil pinigilan siya ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Comedy King Dolphy.
Diamond Star Maricel Soriano at Comedy King Dolphy / Photo credit to the owner
Ginagawa raw kasi nila noon ang sikat na sikat na sitcom na “John en Marsha” kasama si Mang Dolphy at Nida Blanca.
“Actually nu’ng 13 years old ako, kinukuha ako ni Direk Joey Gosiengfiao para gawin ‘yung Katorse.
“Hindi ako pinayagan ni Daddy Dolphy. Kasi baby pa ako, hindi puwede raw, so hindi ko ginawa,” aniya pa.
Tinanong din siya kung ano ang pinaka-memorable na pelikula niya sa film outfit ni Mother Lily.
“Alam n’yo lahat ng pelikula ko sa Regal, memorable sa akin. Ang dami ko pelikula sa Regal, huwag mo itatanong kung ilan. Ha-hahahaha!
“Marami! Galawgaw, Pabling, siyempre ‘yung Underage, Oh, My Mama!”
***
Source: Inquirer