Ngayong balik eskwela na ang lahat ng mga mag-aaral sa bansa mula sa elementarya hanggang kolehiyo, mula sa mahigit dalawang taon na pagkaantala ng face to face classes dahil sa pandemya ay makakabalik na ulit sila sa pag-aaral sa kani-kanilang mga silid aralan. Kasabay rin nito ang pagbabalik suot ng kanilang mga kumpletong uniporme sa pagpasok sa paaralan.
Naging in-demand ulit ang pagbili ng mga school supplies at uniforms ng mga estudyante kasama na rin dito ang mga sapatos na pamasok.
Ngunit, halos kakasimula pa lang unang araw ng klase marami ng mga magulang ang nagrereklamo sa di umanoy mga old stocks na mga sapatos na nabili nila, kaya't nagtuklapan at nasira agad ang suot ng kanilang mga anak.
Ito ang reklamo ng isang magulang na si Mia Telesforo sa brandnew black shool shoes na binili niya para sa kanyang anak sa kilalang shopping mall sa Davao dahil nabakbak agad ang balat ng sapatos at natanggal rin ang tapakan nito.
"Shout out Gaisano Mall of Tagum! Ano 'tong paninda niyo??? Mapapamura ka nalang talaga. Imbes na hirap maghagilap at kaunti lang ang pera, tapos ganito pa,"
"Nag mall na nga kami para matibay, pero wala pang 8 hours mula sa pagsuot, ganito na. Nakakainis kayo 🙄😒😒,"
Binili rin daw nila ito dahil nga naka sale sa mall, mas makakamura nga din naman pero ang hinala ng mga netizens ay mga old stocks karamihan ang nabibili ng iilan mula sa ilang taon na hindi pagkabili at ngayo'y benebenta nalang ng mas mura para mabili.
"Mag-ukay nalang tayo ng tig P50-100 nak mas matibay pa. Original prices P650 down to P350.
Nagbahagi rin sa Amyshane Deleon Austria sa naturang post sa parehong naranasan ng anak niya pagkauwi mula sa unang araw ng pasok nito sa skwela.
***
Source: C Myat Koh
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!