Larawan mula sa namethatfilipinogoon |
Si Roberto Labra o mas kilala natin bilang si Berting Labra ay madalas nating makita bilang magaling na sidekick ng isa sa pinaka-beteranong artista sa industriya ng showbiz na si Fernando Poe Jr.
Ayon sa balita, ang kanyang ama na si Francisco Labra ay dating champion sa larangan ng pagboboksing at sa murang edad na anim ni Berting ay nasaksihan nito ang hindi kanais-nais na ginawa ng mga hapon sa kanyang ama.
Si Berting Labra ay ipinanganak noong April 17, 1933. Una siyang nag-umpisa sa pag-arte noong siya pa lamang ay anim na taong gulang matapos siyang madiskubre ng tatay ni Da King Fernando Poe Jr. na si Fernando Poe Sr.
Larawan mula sa namethatfilipinogoon |
Larawan mula sa namethatfilipinogoon |
Dati kasi ay naghahanap si Fernando Poe Sr. ng batang marunong kumanta na kanya sanang makakasama sa ginagawa nitong pelikula at doon na nga niya natagpuan ang talentadong si Berting Labra at nagtuloy-tuloy na nga ang kanyang naging karera sa industriya ng showbiz.
Sa edad na sampo ay kinupkop siya ni Fernando Poe Sr. pinatira sa kanilang tahanan at itinuring na isang tunay na anak.
Larawan mula sa esquiremag.ph |
Larawan mula sa esquiremag.ph |
Dahil dito ay naging mas malapit si Berting Labra at ang batang Poe na si Da King at madalas silang magkasama sa mga pelikula.
Dahil sa angkin nitong talento ay minsan na rin siyang itinanghal bilang best actor at best supporting actor sa magkaibang pelikula na kanyang ginampanan.
Lahat na yata ng role sa pelikula na ipukol kay Berting Labra ay nagampanan nito ng maayos mapa-drama, komedya, musikal man o action ay kitang-kita ang kanyang natural na husay kung kaya naman minsan na siyang tinawag ni Da King na siya ang greatest filipino actor of all time.
Sa kabila ng magandang karera ni Berting sa showbiz dahil sa sunod-sunod na pelikula na kanyang pinasukan ay bigla naman lumantad ang isang grupo na kung tawagin ay "BIG 4" nong dekada sitenta.
Larawan mula sa Filipino History (Facebook) |
Binulabog ng grupong ito ang mundo ng mga artista sa pamamagitan ng pananakot at pwersahang pagkuha ng kanilang pera at mga mamahaling gamit at kung hindi sila magbibigay ay siguradong may kahahantungan ang mga kawawang artista.
Ayon sa balita, minsan na rin hinihingan si Berting Labra ng nasabing grupo ngunit nagmatigas ito kung kaya naman nakatikim ito at pwersahang kinuha ang kanyang mga suot na alahas sa katawan at sinabihan na sa susunod magmatigas siya ay tiyak may kahahantungan na ito.
Dahil dito ay naging usap-usapan sa mundo ng showbiz ang nangyari kay Berting Labra at ito ay nabalitaan ng mga producer na mayroon ng banta ang buhay ni Berting Labra mula sa nasabing grupo kung kaya naman hindi na siya kinuha sa mga pelikula dahil sa pangamba na sila ay madamay.
Dahil sa kawalan ng trabaho ni Berting Labra ay unti-unting bumagsak ang kanyang karera sa showbiz at pati ang kanyang buong pamilya ay nakaranas din ng hirap.
Larawan mula kay FPJ |
Sa kabilang banda naman ay ang hindi alam ng karamihan ay si Da King Fernando Poe Jr. at kaibigan nitong si Erap ay pumalag sa BIG 4.
Tumanggi silang magbigay na kahit na ano sa grupo at naghanda sila ng mga armas sa bahay ni FPJ para kung sakali na lusubin sila ng mga ito ay nakahanda sila.
Dahil nais proteksyonan ni Berting Labra ang malapit nitong kaibigan na si FPJ ay lumapit at humingi ito ng tulong sa otoridad kung kaya pinagplanuhan nito ito ng maigi kung kaya naman tuluyan ng nahuli ang grupo ng BIG 4.
Dahil sa nangyari ay nawala na ang pangamba ng mga artista, lalong-lalo na si Berting Labra ngunit hindi pa dito natatapos ang pagsubok sa kanyang buhay makalipas ang isang taon ay nasangkot ito isang gulo kasama ang actor na si Eddie Fernandez alyas "Lagalag".
Dahil dito ay labingtatlong taon silang nakul@ng. Noong makalaya siya ay kaagad sumaklolo ang kanyang kaibigan na si FPJ at tinulungan siya nito na makapasok muli sa mundo ng showbiz.
Naging aktibo na ulit sa pag-arte si Berting Labra at madalas siyang mapanuod sa mga pelikula ni Da King na nakilala sa tawag na ang dakilang sidekick.
Nag-umpisang mamuhay ng normal at simple si Berting Labra hanggang sa kanyang mga huling sandali.
Larawan mula sa PEP |
Lumipas ang panahon ay naabot ni Berting Labra ang edad na 75 at dahil na rin sa katandaan ay doon na siya namayapa sa lungsod na Pateros taong 2009.
Mula noong taong 1939 hanggang taong 2007 ay mahigit isang daan na pelikula ang nagawa ni Berting Labra.
Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
***