Fast Food, ito ang kadalasang unang trabaho nating mga Filipino, bukod sa tumatanggap ito ng mga part timers o mga estudyante. Hindi rin kasi gaanong mataas ang mga kwalipikasyon para maging empleyado rito.
Mahirap, nakakapagod pero napakasayang magtrabaho sa Fast food restaurants. Ito ang karanasang ibinahagi sa Facebook ni Neil Christopher na talaga namang marami sa atin ang makaka-relate.
"Bakit masaya mag trabaho sa fast food chain (service industry) 'MCDONALD'S'? Kahit mababa ang sahod.."
"Una. Dito ka matututo magtiis ng gutom, sa sobrang dami ng tao kapag nag break yung isa niyong kasama, mapipilayan talaga ang shift lalo na kung may kasama pa kayong new hire. Kaya ang ending ay magb-break lang kayo after ng shift niyo, kapag humupa na ang dami ng tao."
Neil Christhoper Libao Antonio | Serbis Kru Facebook
Service Crew | Ctto Facebook Public Photos
"Pangalawa. Dito ka matututo maging manhid sa masasamang sasabihin sayo ng tao, yung tipong na-late lang ng 5 minutes yung serving ng pagkain nila, iba't-ibang pangungutya na ang matatanggap mo, ipapahiya ka sa harap ng madaming tao at ipamumukha sayo na mababang lebel ang trabaho mo. Dito ko naranasan na umiwas sa isang area ng store dahil kumakain pa don yung namahiya sa akin, kahit madami na ko dapat linisin na table sa area na yon ay hindi ko malinis dahil alam kong magpaparinig na naman yung customer na yon."
Service Crew | Ctto Facebook Public Photos
"Pangatlo. Dito ka matututo mag handle ng oras mo, lalo na kung working student ka. Isang saludo para sayo. Dito ko naranasan yung mga pagkakataon na hindi papasok yung kasama kong crew next shift dahil may sakit sya, ang ending ay 30 minutes na lang ako makakapag-review para sa exam ko sa araw na yon."
Pagtataka ng ilan, bakit naging masaya magtrabaho dito kung karamihan naman sa mga nabanggit na karanasan ng mga empleyado rito ay hindi kanais-nais?
Mahirap, nakakaiyak, OO! Pero dadami ang iyong kaibigan, maiiyak ka sa kakatawa sa dami ng nakakatuwang kalokohan.
Maraming totoo sa trabahong ito. Nariyan ang iyong mga kasangga kapag minamaliit ka at ipinapahiya ng mga customer.
"Ano? Maghubad tayo ng uniform, abangan natin sa labas?" pabiro man sassabihin sayo pero mararamdaman mo ang sinseridad nila para hindi ka panghinaan ng loob.
Service Crew | Ctto Facebook Public Photos
Service Crew | Ctto Facebook Public Photos
"Katulad ng mga basurang hawak ko sa larawan na to, dito ko natutunan na kapag ako na yung customer, hinding hindi magiging basura ang tingin ko sa mga taong hindi ko naman alam ang buong istorya ng buhay."
"Tandaan mo, mas basura ang taong marunong lang magkalat ng kahihiyan ng kapwa nila tao. Mas basura ang mga taong mataas ang tingin sa sarili. Mas basura ang mga taong hindi kaya humipo sa nararamdaman ng iba."
Ito ang mga dahilan kung bakit masaya mag trabaho dito, mapapaisip ka na lang isang araw na hindi na sahod ang habol mo kaya ka pumapasok, kundi ang pamilya na nabuo rito. Tipong hindi kumpleto ang araw mo pag hindi mo sila nakakasama.
Service Crew | Ctto Facebook Public Photos
At para naman sa mga taong mapanghusga, sana maranasan nila ang makapag trabaho sa service industry ng sa ganon ay matutunan nila kung paano magpakumbaba.