Sa isang Instagram post ay naghabilin ang kolumnistang si Lolit Solis na kung sakaling pumanaw siya ay isama na rin sa cremation ang kanyang alagang aso na si Jokjok.
“Pag ano, dapat… pag ike-cremate na ako, dapat i-cremate kasama ko si Jokjok,” sey ni manay Lolit tungkol sa alagang matagal na niyang kasama
“Ayaw din ni Jokjok mabuhay na wala ako, ‘no?!” kwento ni Lolit
“Palagi siya sa tabi ko pag nasa bahay ako. Sinasabihan ko siya, ‘Pag namatay ako chu-chu, sama ka sa akin, ha“Parang umooo siya.” Dagdag pa niya
At pag wala daw sa bahay si Manay Lolit ay mababait naman daw ang kanyang mga aso at behaved ang mga ito. Pag-uwi naman niya ay masisigla silang sumasalubong sa kanya.
Gustuhin man niyang ibilin sa mga kapamilya ang mga alaga ay baka hindi din daw tanggapin dahil matatanda na.
Marami daw siyang alagang aso ngunit bukod tanging si Jokjok lang ang maaaring tumabi sa kanya sa pagtulog.
Noong Hulyo 17 nang isugod sa ospital si Manay Lolit dahil nahihirapan na itong magsalita at isang linggo din siyang namalagi sa FEU-NRMF Medical Center.*
Dalawang beses na umano siyang nagda-dialysis kada isang linggo - tuwing Martes at tuwing Biyernes o Sabado (depende sa availability ng kuwarto kung saan dina-dialysis siya).
“Diyos ko! Hanggang ngayon, hindi pa nagsi-sink in sa akin na may sakit ako, ‘no?!” sey ng 75-anyos na talent manager sa PEP
“Ang buhay ko ngayon, dalawang araw kada linggo, dialysis. The next day after dialysis, pahinga lang ako. Parang iba na ang katawan mo.
“Saka pag tine-take yung mga maintenance ko na tinaasan ang dosage, liyung-liyo na ako.
“Imagine mo, in one week, wala na agad yung three days dahil ina-allot na sa dialysis.” Kwento pa ng showbiz columnist
Laking pasasalamat din ni Manay Lolit dahil mayroon nang naghahanap ng kidney donor para sa kanya at may isa naman nan ais sagutin ang gastos sa magiging transplant.
“Nung nalaman ni Mayor Enrico Roque [ng Pandi, Bulacan], di ba? Sabi niya, ‘Nay, magpapahanap ako ng donor! Gusto mo?’ Napaiyak ako.
“Tapos bigla naman, tumawag si Alice Eduardo [CEO of Sta. Elena Construction Corp.], di ba? Sagutin daw niya ang operasyon ng ano ko, yung kidney transplant. Napaiyak na naman ako.
“Diyos ko! What have I done to deserve this kindness and love? Bakit andaming angels ang ibinigay ni God para magbantay sa akin?” masayang kwento ni Manay.