Kwento ng pagkakadena ng isang pursigidong anak sa loob ng 23-taon, nagpaluha sa puso ng mga netizens - The Daily Sentry


Kwento ng pagkakadena ng isang pursigidong anak sa loob ng 23-taon, nagpaluha sa puso ng mga netizens




Ang noo'y matibay na pangarap ng isang anak na maibigay sa mga magulang ang magandang buhay at ang walang kasing higpit na pangakong masuklian ang lahat ng kanilang mga sakripisyo at pagmamahal para sa kanilang pamilya ay bakit napalitan ngayon ng isang napakatibay, walang kasing higpit at makapal na kadenang nakagapos sa kanyang mga paa? 


Nakakahabag ang kinahinatnang sitwasyon ng isang responsableng anak na si Ariel Olaco, 50-anyos dahil gumuho lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay. Magtatapos na sana siya sa kanyang pag-aaral at maisakatuparan na ang pangarap na maayos na buhay para sa mga magulang nang wasakin ang lahat ng ito ng isang sakuna. 



Ayon sa post ng isang concern citizen na si Ronald Casil, kaunting hakbang nalang sana si Ariel sa kanyang pagtatapos ng kolehiyo nang mauntog umano ang ulo nito sa isang semento na naging dahilan ng paglaho lahat ng kanyang magagandang plano sana sa buhay at ang pagkaroon nito ng kakaibang estado ng kanyang pag-iisip. 


Dahil umano sa tila nawala ito sa kanyang katinuan, humantong sa masakit na desisyon ang pamilya ni Ariel na ikadena siya at ihiwalay ng tirahan dahil umabot na ito sa punto na nakakapanakit na ito maging sa mga  magulang niya na siyang nag-aalaga sa kanya. 


"23 taon nang kinakadena ang paa ni Ariel dahil sa takot. Noong naghatid raw ng pagkain ang kanyang Nanay sina kal at tinapon daw ito dahil sa galit ni Ariel,"



Kapwa mga senior citizen na ang Nanay at Tatay ni Ariel, at kung tutuusin sa kanilang katandaan ay inaalagaan na pero dahil sa kawalan, kumakayod parin ang Nanay niya sa pagtitinda. 


"Ang pagtitinda ng mga kakanin ang pinagkakakitaan sa Nanay ni Ariel na si Nanay Stella Olaco, 72 taong gulang na at sa Tatay ni Ariel na si Apolloño Olaco, 76 taong gulang rin na may deperinsya rin sa katawan,"


Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Casil tungkol sa kasalukuyang kalagayan at sitwasyon ni Ariel, dito makikita kung gaano kakapal ng bakal na kadena ang nakakabit sa kanyang paa, at nilagyan rin ito ng kandado.  


Sa hirap ng kanyang sitwasyon, humihingi ng kahit kaunting tulong ang mga magulang nito para sa magiging simpleng tirahan ng anak, dahil nababasa ito pagka-umuulan. Tanging bubong lang ang meron sa kanyang pinaglalagyan, mga lumang sako at karton rin ang nagsilbi nitong sapin at higaan. 




"Gusto sana sila humingi ng tulong kahit maliit na matitirhan ni Ariel. Kapag uulan nababasa si Ariel dahil walang takip yung kinatatayuan niya. D'yan lang siya palagi naka upo at nakahiga," 


Nairito ang kabuuang post ni Ronald Casil : 


ISANG GRADUATING SANA SA COMPUTER PROGRAMMING KINADENA SA LOOB NG 23 TAON HANGGANG SA KASALUKUYAN. 


Si Ariel Olaco ay 50 taong gulang na taga Can-olin Candijay, Bohol at isa sana siya sa bread winner ng kanilang pamilya ngunit sa hindi inaasahan napunta siya sa kinakalawang na kadena. 



Graduating na sana si Ariel sa kursong Computer Programming sa Maynila ngunit sa hindi inaasahang nauntog ang kanyang ulo sa isang semento at ito ang dahilan kung bakit naglaho ang lahat.


Kakamatay lang din sa kapatid ni Ariel na isang scholar rin sa UP Baguio. Matapos sa hindi parin malaman kung ano ang naging dahilan sa kanyang paghulog sa mataas na building na kanyang pinag trabahoan nito, isa umanong Call Center ang kapatid ni Ariel. 


Ang pagtitinda ng mga kakanin ang pinagkakakitaan sa Nanay ni Ariel na si Nanay Stella Olaco, 72 taong gulang na at sa Tatay ni Ariel na si Apolloño Olaco, 76 taong gulang rin na may deperinsya rin sa katawan.


Ayon sa Nanay ni Ariel, 23 taon nang kinakadena ang paa ni Ariel dahil sa takot. Noong naghatid raw ng pagkain ang kanyang Nanay sinakal at tinapon daw ito dahil sa galit ni Ariel. 



Gusto sana sila humingi ng tulong kahit maliit na matitirhan ni Ariel. Kapag uulan nababasa si Ariel dahil walang takip yung kinatatayuan niya. D'yan lang siya palagi naka upo at nakahiga. 


Sa mga gusto magpaabot ng kunting tulong para mabigyan rin natin sila kagaya ng iba na ating tinutulongan. 


Ronald Casil

Location: Can-olin Candijay, Bohol 

#RONALDCASIL 

#ronaldcasilofficial 

#BoholPhilippines 


***

Source: Ronald Casil

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!