Si Prudencio Baldivia o mas kilala sa kanyang screenname na Dencio Padilla ay isa sa pinaka beteranong aktor at komedyante na talagang sumikat noon.
Dencio Padilla at Fernando Poe Jr. / Photo credit to the owner
Siya ay ipinanganak noong Setyembre 2, 1928 sa Nagcarlan, Laguna.
Siya ay nagsimula sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng pagpasok bilang extra sa mga pelikula.
Sa loob ng tatlong taon, pagiging extra ang pinagkakitaan ni Dencio.
Kwento ni Dencio noon, madalas ay wala siyang makain dahil hindi naman sapat ang kanyang kinikita upang punan ang kanyang mga pangangailangan.
Dencio Padilla / Photo credit to the owner
Dencio Padilla / Photo credit to the owner
Dagdag pa niya, tumutulong rin siya sa mga crew sa movie set upang ipamigay ang mga pagkain dahil ang mga katulad niyang extra ay hindi pinagtutuunan ng pansin noon.
Sinubukan rin umano niyang gumanap bilang kontrabida noong una, ngunit hindi raw nababagay ang karakter na kontrabida kay Dencio.
Hindi raw kasi mukhang kalaban at nakakatakot ang itsura nito kaya napunta siya sa pagkokomedya.
Dencio Padilla / Photo credit to the owner
Dencio Padilla / Photo credit to the owner
Nang si Dencio ay mabigyan ng mas malalaking role sa mga pelikula, siya ay gumanap bilang supporting character o sidekick ng mga bida.
Madalas siyang mapanood noon bilang sidekick ni “Da King” (King of Philippine Movies) Fernando Poe Jr. at kilala sa kanyang batanguéno na pananalita.
Fernando Poe Jr. at Dencio Padilla / Photo credit to the owner
Kalaunan ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa at si Dencio ay nagsimulang makilala ng mga movie fans.
Nakasama rin niya ang mga bigating artista na sina Ace Vergel, Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at marami pang iba.
Habang tumatagal sa industriya ng showbiz ang komedyante, siya ay nakatanggap ng iba’t ibang nominasyon sa mga award giving body sa Pilipinas.
Ilan dito ay sa mga pelikulang, ‘Ito ang Maynila’, ‘Dragonfire’, ‘Sanctuario’, ‘Mediavillo’ at ‘Dugo ng Bayan’.
Photo credit to the owner
Nakalaban niya sa nasabing award ang mga batikang aktor na sina Joe Sison, Vic Silayan, Paquito Diaz, Max Alvarado at Eddie Garcia.
Joe Sison, Vic Silayan at Paquito Diaz / Photo credit to the owner
Max Alvarado at Eddie Garcia / Photo credit to the owner
Mga bigating aktor na hindi niya inaakalang kanyang matatalo upang maiuwi ang best supporting actor award.
Nanatili noon si Dencio sa kanyang tahanan habang pinapanood ang late broadcast ng programa sa telebisyon nang may biglang tumawag sa kanya sa labas ng bahay.
Laking gulat niya nang makita ang aktres na si Susan Roces.
Kinakabahan pa noon si Dencio dahil iniisip niyang baka may nangyaring masama sa kaibigang si FPJ.
Nang sila ay makarating sa lugar, nagulat ang aktor dahil ito pala ay isang supresa para sa kanya.
Nakita niya ang kaibigang si FJP na may hawak-hawak na trophy sabay iniabot ito sa kanya at niyakap siya nito.
Dito na nalaman ni Dencio ang pagkapanalo niya bilang supporting actor sa pelikulang Mediavillo.
Ayon kay Dencio, napakabait na tao ni FPJ dahil itinuring siyang tunay na kaibigan nito kahit na siya ay mahirap lamang.
Makalipas naman ang mahigit dalawang dekadang paggawa ng pelikula, si Dencio ay nabigyan ng pagkakataong bumida sa pelikulang ‘Iskorokotoy’ noong 1981.
Photo credit to the owner
Ito ay kumita sa takilya kung saan nagkaroon ng cameo appearance ang ilan sa mga malalaking pangalan sa industriya na nakatulong sa pagpo-promote ng pelikula.
Matapos nito ay sinubukang muli ni Dencio ang magbida sa pelikulang ‘Boogie’ upang patunayan sana na kaya na niyang magdala ng sariling pelikula.
Photo credit to the owner
Ngunit nagkaroon ng ilang problema sa production ang nasabing pelikula at siya lamang ang halos nag-promote nito.
Sa kabutihang palad, ang pelikulang ‘Boogie’ ay kumita kahit papaano sa takilya.
Matapos nito ay bumalik sa pagiging sidekick ang aktor at gumawa pa ng maraming pelikula sa maraming taon.
Ang kanyang napangasawa ay si Catalina Dominguez at sila ay nagkaroon ng walong anak. Sila ay sina Dennis, Samuel, Glenn, Jennifer, Gene, Richard, Ched, at Rot.
May mga panahon na dumanas ng pinansyal na hirap ang kanyang pamilya lalo na nang magsabay-sabay sa pag-aaral ang kanyang mga anak.
Subalit ito ay nalagpasan din ng aktor at ang kanyang mga anak ay lumaki ng maayos.
Si Dennis ay sumunod sa yapak ng ama sa pag-aartista at pagiging komedyante.
Dennis Padilla / Photo credit to the owner
Noong Setyembre 30, 1997, si Dencio ay isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng dibdib. Siya ay na-confine ng mahigit isang linggo.
Nang siya ay ilalabas na sana upang makauwi, si Dencio ay pumanaw dahil sa biglaang card*ac arr3st noong Oktubre 10, 1997 sa edad na 69.
Ang naging huling hantungan ng aktor ay sa Nagcarlan Municipal Cemetery sa Nagcarlan, Laguna.
Dencio Padilla at Fernando Poe Jr. / Photo credit to the owner
Hindi man palaging bida ang mga naging roles ni Dencio sa pelikula, nakuha naman niya ang paghanga at respeto ng marami sa mundo ng showbiz.
Dencio Padilla / Photo credit to the owner
Siya raw ay magaan katrabaho, masipag at matiyaga sa movie set. Maraming artista rin ang naging kaibigan ng komedyante.
Siya ay tumagal na halos apat na dekada sa industriya at nag-iwan ng tatak sa puso ng kanyang mga tagahanga.
***