Kilalanin si Bandit, ang 'pusang bantay' na nagligtas sa kanyang amo mula sa mga magnanakaw - The Daily Sentry


Kilalanin si Bandit, ang 'pusang bantay' na nagligtas sa kanyang amo mula sa mga magnanakaw



Larawan ni Mr. Fred Everitt at pusang si Bandit mula sa Northeast Mississippi Daily Journal via AP

 


Noon pa man ay sinasabi na ng mga tao na ang mga aso ang tagapag-bantay, ngunit pinatunayan ng ‘guard cat’ na hindi lang aso ang maaaring maging bantay. 

 
Ayon sa ulat ng AP, sinabi ng isang lalaki sa Mississippi na ang kanyang alagang pusa ay tumulong na maiwasan ang pagnanakaw sa kanyang tahanan, at kinilala ang calico na posibleng nagligtas sa kanyang buhay.


 
Noong Hulyo Hulyo 25, 2022 daw, bandang 2:30-3:00 ng madaling araw, narinig ni Fred Everrit, 68 taong gulang, ang kanyang pusang si Bandit na kakaiba ang lakas ng pag-ngiyaw.

 
Umakyat pa si Bandit sa kama ni Fred at kinalmot-kalmot siya upang magising sa mahimbing na pagkakatulog.

 
Dahil unang beses niyang narinig na ganoon si Bandit ay naalarma na si Fred at nakaramdam na tila may hindi magandang nangyayari.

 
“What in the world is wrong with you?” pagtataka pa ni daw ni Fred sa naging kilos ng alagang si Bandit.


Larawan ni Mr. Fred Everitt at pusang si Bandit mula sa Northeast Mississippi Daily Journal via AP


 
Lumabas ng kwarto si Fred dahil hindi mapakali si Bandit, at nang buksan niya ang ilaw ay nakita niyang may dalawang lalaking nasa labas ng kanyang bahay at nagtatangkang sirain ang pintuan sa likod.

 
Ayon kay Fred, armado pa ang mga ito at malamang ay mga magnanakaw. *

 
Nang kumuha daw ng armas si Fred ay agad nagsipag alisan ang dalawang magnanakaw, kaya hindi na rin siya tumawag ng mga pulis.

 
Dagdag ni Fred, maaaring mas naging malala pa ang naging sitwasyon kung wala ang kanyang ‘guard cat’ na si Bandit.

 
“It did not turn into a confrontational situation, thank goodness. But I think it’s only because of the cat," aniya

 
Kwento ni Fred, si Bandit ay kanyang adopted cat mula sa Tupelo-Lee Humane Society apat na taon na ang nakakaraan. Siguro ay ito rin ang dahilan kung bakit ganoon nalang ang pag protekta rin ni Bandit kay Fred. 


 
Ayon sa mga taong mahilig sa pusa, ang Calico or tri-colored cats ay itinuturing na simbolo ng suwerte, lalo na sa mga bansang Japan, England, at Estados Unidos.


Larawan ng isang Calico cat mula sa Petful


 
“I want people to know that you not only save a life when you adopt a pet or rescue one. The tides could be turned,”  ang makahulugang pahayag ni Fred