Hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan sa misteryosong pagkawala ng 22-taon gulang na si Jovelyn Galleno, ang babaeng pumasok sa trabaho sa Robinsons Mall sa Palawan ngunit hindi na raw nakalabas.
Ayon sa mga ulat, Agosto 5, 2022, ay hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay si Jovelyn nang mag-logout ito sa trabaho, ngunit hindi naman daw nakitang lumabas sa mall na kanyang pinasukan.
Samantala ayon naman sa ulat ng Radyo Bandera Philippines, isang kakilala daw ni Jovelyn mula sa simbahan ang nagbigay ng statement na nakita daw niya na nakasakay si Jovelyn sa isang Innova bandang alas-tres ng hapon noong Agosto 16.
Maliban dito ay naiulat din na may isang establisyemento umano ang nakikipagtulungan sa otoridad upang makatulong sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn. Nagbigay daw sila ng CCTV footage na kuha ang National Highway kung saan nakunan ang isang multicab na posibleng sinakyan ng nawawalang dalaga.
Ang naturang establisyemento ay matatagpuan sa Brgy. Tagburos. Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang mga pulis ukol dito gayundin ang pamilya ni Jovelyn kung siya nga ba ang babaeng nahagip sa kuha ng CCTV na nakasakay sa multicab.
Ayon sa mga ulat, Agosto 5, 2022, ay hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay si Jovelyn nang mag-logout ito sa trabaho, ngunit hindi naman daw nakitang lumabas sa mall na kanyang pinasukan.
Samantala ayon naman sa ulat ng Radyo Bandera Philippines, isang kakilala daw ni Jovelyn mula sa simbahan ang nagbigay ng statement na nakita daw niya na nakasakay si Jovelyn sa isang Innova bandang alas-tres ng hapon noong Agosto 16.
Maliban dito ay naiulat din na may isang establisyemento umano ang nakikipagtulungan sa otoridad upang makatulong sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn. Nagbigay daw sila ng CCTV footage na kuha ang National Highway kung saan nakunan ang isang multicab na posibleng sinakyan ng nawawalang dalaga.
Larawan mula sa Kami |
Naging maugong at misteryoso ang pagkawala ni Jovelyn dahil muling nabuhay ang isang urband legend na ‘taong ahas’ sa Robinsons Mall na kumukuha umano ng mga babaeng kanyang magustuhan o matipuhan.*
Robina Gokongwei-Pe / Photo credit to the owner |