Sinong mag-aakala na ang dating nagtatrabaho sa isang gasolinahan bilang gasoline girl ay magiging milyonarya at magkakaroon ng sariling kumpanya?
Kung iyong iba ay nawawalan na ng pag-asa dahil sa hirap ng buhay, mayroon namang iilan na patuloy na nilalabanan ang mga mabibigat na hamon at pagsubok para sa pangarap na matakasan ang mundo ng kahirapan.
Ganito ang naging kuwento ng buhay ni Sarah, bata pa lang ay sinubok na siya ng panahon, ito'y matapos na malugi at magsara ang negosyo ng kanyang pamilya.
"Ang daming pinagdaanan ng pamilya ko.."
"Nailitan kami ng bahay at lupa. Wala kaming nailabas na gamit dahil nasheriff kami.Naisangla sa bangko at hindi na natubos.lahat ng ari-arian namin nawala, BANKRUPT pati na rin ang sapatusan na negosyo ng pamilya ko."
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
"Iyak na lang kami ng iyak.. Back to zero kami"
"Pero ako??? Hindi ako sumuko! Hindi kasi yan ang tinuro sa akin ng mga magulang ko. Laban lang daw ng laban."
Kahit hirap sa buhay ay pilit na nagtapos ng pag-aaral si Sarah. Kasabay nito ang pagtatrabaho niya bilang kahera sa isang gasoline station nang siya'y 18 taong gulang.
Kapag mahaba ang pila at maraming nagpapagasolina, kinakailangan rin daw nitong maglagay ng gasolina sa mga sasakyan.
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
Nang makapagtapos ng kolehiyo ay nagtrabaho naman ito bilang sales lady. Lumipat nang kumpanya at naging office staff hanggang sa makilala at makilala niya rito ang kanyang napangasawa.
Bukod sa kanyang day job ay sinabayan nila ito ng pagtitinda ng mani, hopia at kape.
Matapos maging office staff sa isang garment store ay isang malaking oportunidad ang dumating sa buhay ni Sarah, naging manager ito sa convenient store na 7-Eleven. Dito na unti-unting nagkakaroon ng liwanag ang kanyang mga pangarap.
Bahay, kotse at kasal. Simple man daw ang mga ito ay alam niyang hindi ito makukuha sa isang iglap at kinakailangan nilang pagtrabahuhan ng mahabang panahon.
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
Sa ipon na halagang P60,000 ay napagdesisyunan nilang mag-asawa na mag negosyo at bumuo ng sariling brand. Ginapang ang kanilang beauty products na "Queen White" hanggang sa makilala ito sa buong Pilipinas.
"Sa umpisa, mahirap. Super hirap mag establish ng brand lalo na’t wala naman akong kilala at hindi ako mahilig noon sa social media."
"Nanligaw ng mga online seller. Nireject ng maraming beses. Pero araw-araw, nanliligaw pa rin ako kahit ilang beses nila akong dedmahin. Nakakapagod, nakakaiyak..gusto ko nalang itigil to."
Ngunit determinado itong magpayaman at hindi sumuko kaya makalipas ang 2 taon ay nakilala at dumami ang tumangkilik sa kaniyang produkto.
Nakapagpundar ng dalawang kotse, lote para sa kanilang dreamhouse, ikinasal at patuloy na pinapalago ang kanilang mga kinikita.
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
"Hindi madali ang tinahak namin…butas ng karayom ang dinaanan bago makarating dito. Ang tanging alam ko lang ay 'HINDI KAMI SUMUKO'"
Mula sa pagiging gasoline girl, promodiser, sales clerk, office staff, manager ng 7-Eleven, isa na ngayong CEO si Sarah. May-ari ng sarili niyang kumpanya at kumikita na ng milyon-milyong halaga.
Iba't ibang parangal na rin ang tinaggap nito at kung saan-saang programa na rin naimbitahan para ibahagi ang kanyang pinagmulan at magbigay inspirasyon sa karamihan.
Ibinabahagi rin ni Sarah ang lahat ng biyayang kanyang natatanggap sa isang organization na SOS CHILDRENS VILLAGE PHILIPPINES.
"Sobra sobra pa sa hiniling ko..Humingi lang ako kanin, pero binigyan din ako ng ulam.
Tunay na mabait si Lord."
Sarah Vidi Payno Mercado | Facebook
Payo nito sa lahat na huwag tumigil sa pag-abot ng mga pangarap at patuloy lang na magsumikap. Mahirap man daw mabuhay, pero mas mahirap kung hindi mo susubukang mabuhay para sa iyong mga pinapangarap.