Sa vlog ng TV host na si Bianca Gonzalez na may title na “#TrustTheProcess: John Prats, unang inamin ng aktor na muntik na siyang lumipat sa Kapuso Network GMA-7 dahil sa hirap ng buhay.
John Prats and Heart Evangelista / Photo credit to the owner
“Nu’ng nagkaroon na ako ng family, buntis na si Liv (palayaw ni Isabel) noon, na-realize namin na parang hindi enough yung twice a week taping para ma-sustain, or mabigay yung needs ng family mo.”
“And then, I was about to transfer. Tapos, the next day, Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN chief executive) found out, pinigilan niya ako nung nalaman niya..Siyempre ako, nung nalaman kong pinigilan ako, sabi ko, ‘Sige, I’ll stay.’
John Prats / Photo credit to the owner
John Prats / Photo credit to the owner
“Siyempre gusto mo yun, kasi parang tahanan mo ‘yan (ABS-CBN) for how many years,” kwento ni John.
Sa interview ay inamin rin ni John na ang hiwalayan nila ng kanyang ka-loveteam noon na si Heart Evangelista ang naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang career.
Kinuwento rin niya na dati raw ay hindi niya sineseryoso ang kanyang trabaho.
G-Mik cast / Photo credit to the owner
G-Mik cast / Photo credit to the owner
“1992 when I joined “Ang TV”, siyempre bata ka pa, hindi mo naman alam. Every Saturday, we tape Ang TV, para ka lang naglalaro. Sa akin, hindi ko sineseryoso yung trabaho ko nun, nilalaro ko lang, until nag-teen ako.”
Taong 1999 nang mapasama si John sa cast ng Kapamilya teen-oriented show na “G-mik” kung saan nakatambal niya si Heart.
Doon nabuo ang loveteam nila ni Heart. Subalit nang maghiwalay sila ay naramdaman raw ni John ang pagbagsak ng kanyang career.
John Prats and Heart Evangelista / Photo credit to the owner
John Prats and Heart Evangelista / Photo credit to the owner
“Dumating yung John and Heart era. After that era, ‘yon yung time na I felt na bumagsak yung career ko. Nu’ng naghiwalay kami ni Heart, ang show ko na lang nu’ng time na yun… kasi, di ba, before may ASAP then ASAP Fanatic,” kwento ng aktor-direktor.
Napakaliit raw ng kanyang talent fee niya noon.
“Sobrang liit ng talent fee ko, once a week lang ako nakikita at nagtatrabaho,” saad niya.
Dito na niya ni-repackage ang sarili at kinarir ang pagsasayaw hanggang sa makapasok siya at maging celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother”.
John Prats / Photo credit to the owner
John Prats / Photo credit to the owner
“After that nagsunud-sunod ulit yung projects ko and ‘yon yung feeling ko na naging blessed ako kasi parang hindi ako nawala,” sabi ni John.
Mensahe pa niya, “Sobra yung journey na natutunan ko sa buhay, na you just have to trust God and just do your best. Hindi mo alam minsan kung saan ka nili-lead, akala mo dito, pero hindi diyan dito ka.
“Lahat ng nangyayari sa akin ngayon, sobrang blessed ako kasi ang dami kong natutunan,” pahayag ni John.
Sa John at Isabel ay ikinasal noong May 16, 2015. May tatlo na silang anak na sina Feather, Freedom at Forest.
***
Source: Bandera Inquirer