Ano kaya ang pakiramdam ng isang mayaman? Ano kaya ang mararamdaman mo kung mayroong kang napakamaraming pera? Siguradong hindi ka pipirme sa isang lugar lamang dahil hindi mo alam kung paano mo gagastahin ang iyong pera.
Photo credit to the owner
Isa sa pinakamayamang Pilipino sa ating bansa ay ang 81-years-old na si Luis Crisologo Singson o mas kilala bilang Chavit Singson.
Bukod sa kanyang pagiging politiko, nakilala rin si Chavit bilang negosyante.
Chavit Singson / Photo credit to the owner
Chavit Singson / Photo credit to the owner
Noon pa lamang ay kilala na siya ng halos lahat ng Pilipino dahil sa kanyang pagiging mayaman at pagkakaroon ng mala-mansion na bahay at pagkakaroon ng tila mini zoo.
Ngunit gaano nga ba kayaman si Chavit?
Sa isang News Agency sa Japan, nagkaroon sila ng pagkakataong makapasok sa loob ng mansyon ni Chavit at makita ang mga gold bars nito.
Photo credit to the owner
Kilala sa pagiging galante ang dating governor kaya naman siguradong iniregalo na niya ang nasabing gintong calling card sa hapon.
Agad ring napansin ng reporter ang suot na relo ni Chavit.
Alam niyo ba kung anong meron ang kanyang relo? Ito ay mayroong white and black diamonds.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa mga report, aabot raw ito sa halagang P5 million on average.
Pero mas mahal pa rin yung relong suot ni Chavit sa isang interview ni Boy Abunda sa “The BottomLine.” Ito ay may tatak na Richard Mille at tinatayang nagkakahalaga ng P10 million.
Photo credit to the owner
Samantala, napansin rin ng reporter ang golden buddha ni Chavit na naka-display lamang.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Narito pa ang ilang display na ginto ni Chavit na makikita sa video.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Malamang ay aabot sa P50 million ang halaga o mas mataas pa ang mga gintong display ng dating gobernador.
Sa pagpasok naman nila sa isa sa mga kwarto ni Chavit, agad nitong binuksan ang kanyang kaha de yero o security vault, doon tumambad ang maraming gold bars. Ang pinaka nakakatuwa pa ay inilabas itong lahat ni Chavit at ipinabitbit sa japanese reporter.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Nasa 28 gold bars ang pinabuhat niya sa reporter at tinatayang nasa 80-100 million ang halaga nito.
Panoorin ang video sa ibaba:
Ang malaking tanong eh saan ba nakuha ni Chavit ang mga gintong ito?
Ang madaling sagot ay galing ito sa kanyang mining company na LCS Group of Company o LCS Holdings Inc.
***