Madalas nating marinig sa mga matatanda na ibang-iba na raw ang mga kabataan ngayon kumpara sa dati. Bukod kasi sa kanilang pag-uugali na madalas wala ng respeto at paggalang sa matatanda, iba na rin ang kanilang pag-kilos. Maging ang kanilang mga hilig ay nagbago na rin.
Alwytz Gaoiran / Photo credit: Alvin Gaoiran
Hindi naman natin masisisi ang ilang kabataan dahil marami na rin ang nagbago sa ating paligid. Maging ang ating mga pangangailangan ay nadagdagan na rin sa panahon ngayon.
Isa sa mga itinuturing na kailangan na ng bawat tao ngayon ay ang mga gadgets katulad ng cellphone, laptop at computer.
Nagagamit kasi ito sa paghahanap buhay at pag-aaral.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Subalit, hindi lahat ay mas gusto ang gadget. Mayroon pa ring mga kabataan ang pinipiling maging simple at practical.
Katulad na lamang ng isang bata mula sa Bacarra, Ilocos Norte na mas piniling maregaluhan ng isang kambing para sa kaniyang graduation.
Sa kaniyang pagtatapos sa elementarya noong Abril 3, hiniling ng 11 anyos na si Alwytz Gaoiran ang isang kambing bilang regalo.
Alwytz Gaoiran / Photo credit: Alvin Gaoiran
Alwytz Gaoiran / Photo credit: Alvin Gaoiran
Sa Facebook post ni Alvin Gaoiran Robiniol, ibinahagi nito ang larawan ng kapatid na si Alwytz kasama ang iniregalong kambing.
"Timmawag ni Manong ko nu anat kayat ko regalo, kunak kalding ta kayat ko ag-ala, agpaado nak kalding tapno makatulong nak pamilyak," aniya.
(Tumawag ang kuya ko at tinanong kung ano ang gusto kong regalo. Sabi ko kambing, magpaparami ako para makatulong sa pamilya ko.)
Screengrab ABS-CBN TV Patrol
Screengrab ABS-CBN TV Patrol
Ayon kay Alwytz, hiniling niya ang kakaibang regalo para makatulong sa kaniyang pamilya.
Pinangalanan ni Alwytz na "Sinyang" ang alagang kambing, na itinuturing na rin niyang kaibigan.
Ayon kay Alvin, baka raw sana ang ibibigay niya kay Alwytz ngunit hindi kaya ng kanyang budget.
“So heto na yun. Tinotoo ko yung promise ko. Alagaan mo yan, paramihin mo. Buntis yan. Simula pa lang yan ng pagpaparami natin ng mga alaga. Baka sana ang ibibigay ko, kaso di pa kaya ng budget.”
Screengrab ABS-CBN TV Patrol
Kwento naman ng ama ni Alwytz na si tatay Ronnie, matagal na raw gusto ng bata na mag-alaga ng kambing, pero hindi niya ito mabilhan dahil sa hirap sa buhay.
Dagdag pa ni tatay Ronnie, gusto umano ni Alwytz na magparami ng kambing para may pangkolehiyo siya.
"Tay man magpa-adok ta ton college nak pagison to ada pagbasak, ata narigat kam met lang," ani Ronnie.
(Kapag naparami namin, may magagamit na kami pang-kolehiyo niya.)
Suma-sideline bilang karpintero si tatay Ronnie, habang isa namang OFW ang kaniyang asawa. Sa walo nilang anak, lima ang kanilang pinag-aaral.
Hanga si tatay Ronnie kay Alwytz dahil mas iniisip nito na makatulong sa pamilya, imbes na humiling ng mga materyal na bagay.
Basahin sa ibaba ang buong post ni Alvin:
"Tinanong kita kung anong gusto mong regalo. Akala ko cellphone, tablet, o kahit ano mang klase ng luho ang isasagot mo. Natuwa ako nang sinabi mong gusto mo ng kambing para may alagaan ka.
Screengrab ABS-CBN TV Patrol
So heto na yun. Tinotoo ko yung promise ko. Alagaan mo yan, paramihin mo. Buntis yan. Simula pa lang yan ng pagpaparami natin ng mga alaga. Baka sana ang ibibigay ko, kaso di pa kaya ng budget.
Who knows, after ilang taon, may sarili na tayong farm, db? Basta magsipag ka lang, kakayanin natin 'to.
Congratulations ulit, Alwytz. Yes, I practice favoritism, at alam mong ikaw ang paborito kong kapatid. Love you, our future engineer.
How I wish nandiyan ako ngayon."
***
Source: ABS-CBN