Nanay, tumatanggap ng diaper, biscuit o gatas kapalit ng paglalabada; naghahanap sa socmed ng mga magpapalaba, dinagsa ng tulong - The Daily Sentry


Nanay, tumatanggap ng diaper, biscuit o gatas kapalit ng paglalabada; naghahanap sa socmed ng mga magpapalaba, dinagsa ng tulong




 


Sa hirap ng buhay ngayon, walang hindi papasuking trabaho ang mga pinoy para lang kumita ng pera at mairaos ang pang araw-araw na gastusin, lalo na ang mga taong inaasahan ng kanilang pamilya gaya ng mga magulang, at maging ng mga breadwinner. 


Sila ang mga taong hahamakin ang lahat para lang maitaguyod ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. At dahil sa panahon ngayon ay hindi biro makahanap ng customer o client na tatangkilik sa iyong produkto o serbisyo, kanya kanyang diskarte ang mga pinoy upang makapukaw ng atensyon para nang sa gayon ay kumita. 


Hindi nalalayo rito ang kwento ng isang babae na nakaisip ng kakaibang paraan at naglakas loob mag-post sa social media ng kanyang inaalok na serbisyo sa paglalabada na may kakaibang kapalit. 


Kilalanin si Reyhan Rabanes Arip, ang raketerang nanay ng dalawang bulilit na piniling atupagin ang pagkayod para sa mga anak kaysa tumunganga lang o makipag tsismisan sa kapitbahay gaya ng mga naglipanang marites sa kanto. 




Sa naisip na paraan ni Reyhan upang matustusan ang kanyang mga anak, tatanggap raw sya ng labada kapalit ng diaper, biscuit o gatas para sa dalawang bata. 


Aniya sa kanyang Facebook post , “ohh cno magpalaba nasa sanroque ako bukas baka gusto nyo mag palaba kapalit lang diaper at biscuits mg junakis ko or gatas”


Dagdag pa ng raketerang nanay, paunahan na lang raw ang mga taong gustong magpalaba sa kanya, o first come first serve basis. 


“mag sidelinemuna ako Dm lang sa gusto magpalaba paunhan nalang..” saad ni Reyhan sa naturang post. 


Ika nya, ayaw raw nya na tumunganga na lang kaya nag-sideline sya kahit pa kasama nya ang kanyang dalawang anak. 




“ayoko tumanganga nalang kaya sideline nalang kasama ko mga junakis ko” paliwanag ng mapagmahal na ina. 


Sa nasabing post ay makikita rin ang larawan nilang mag-iina habang may katabing mga labada si Reyhan. 


Dahil dito, umani sya ng papuri mula sa netizens na sadyang bumilib at humanga sa kanyang napaka positibong pananaw sa buhay, gayundin sa kanyang ipinamalas na pagmamahal at diskarte maitaguyod lang ang kanyang mga anak. 


Sa ngayon ay may humigit kumulang 33k reactions na ang kanyang Facebook post at meron na rin itong 9.2k shares. 




Samantala, ang mga sumunod na Facebook posts ni Reyhan ay puno ng pasasalamat sa Dyos at sa mga taong hindi na nya inisa-isang pinangalanan na nagbahagi raw ng biyaya sa kanilang mag-iina.



goodnight sa lahat.. at thanks sa dios sa binibigay nyo po blessings sakin at sa anak ko..



Godnyt po sa laht.. at gdnyt sa dalawa kong anak. love u mga anak... at salamt sa mga tao nag share ng blessing



Papa G.. gusto ko magpasalamt sa mga tao nag share ng blessing kaso di ko sila ma isa isa Papa Jesus kayo na po bahala sa kanila godbless po sa inyo mga ma'am /sir first time to ng yari sakin