Matapos mag-viral ang larawan ng mga trans students na bagong gupit dahil sa pagbabalik ng face-to-face classes, may ilang miyembro ng LGBTQIA+ ang nananawagan sa Department of Education (DepEd) na respetuhin umano ang gustong buhok at uniporme ng mga katulad nila.
Photo credit: RR Valencia Salon for Men and Women
Nanguna si Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan sa panawagan na bigyan umano ng karapatan ang mga trans students sa gusto nilang buhok at uniporme.
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Habijan ang larawan ng tatlong estudyanteng nagpagupit ng maiksi dahil requirement ito sa kanilang pagbabalik eskwela.
Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan / Photo credit: Fashion Pulis
“PILIPINAS, NAPAKASAKIT! Dahil dama ko na hanggang ngayon, hindi niyo pa rin kami tanggap. Hirap pa rin tayong yakapin ang kaisipang: ‘Transwomen are women. Transmen are men. Non-binary people are valid. People can have non-conforming gender expressions,” sabi ni Habijan.
Screengrab from Mela Franco Habijan Twitter account
“And LGBTQIA+ people are people worthy to be and become. Ano po bang mali sa aming buhok? Ano po bang mali sa isang transgender woman na gustong magsuot ng unipormeng pambabae o transgender man na hindi kumportableng mag-palda?” dagdag ni Habijan.
Screengrab from Mela Franco Habijan Twitter account
Ang larawan na ibinahagi ni Habijan ay mula sa Facebook post ng beauty salon na ”RR Valencia Salon for Men and Women.”
Caption ng post, “Salamat sa tiwala niyo mga anakshies na gupitan kayo…alam kong pinaghirapan niyo magpahaba ng mga buhok niyo pero mas importante pa din ang sumunod sa school policies habang nag-aaral pa lang kayo”
“Maniwala kayo, kapag nakapagtapos kayo, kahit gaano pa kahaba nyo patubuin mga buhok niyo, kakayanin niyong makipagsabayan sa ibang tao kasi nakapagtapos kayo ng pag-aaral. Good luck mga anakshies!”
Photo credit: RR Valencia Salon for Men and Women
Samantala, isang netizen ang nagbahagi ng halos kapreho ng nasabing larawan. Iniba lang nito ang design at nilagyan ng salitang “Cutting their hair means cutting their confidence.”
Mabilis na nag-viral ang larawan at ngayon ay umabot na sa 31k reactions at 19k shares.
Ayon sa Facebook post ni Fred Jzeidric La Moréna, discriminasy0n raw ang ginagawa ng mga eskwelahan. Nakakababa raw ito ng self-esteem ng mga trans students.
Dagdag pa niya, hindi rin daw nakakatulong ang 'hair policy' upang gumanda ang grado ng mga estudyante.
Photo credit: Fred Jzeidric La Moréna
“Nah, tinuro sa college na part of proper communication din yung pagsunod ng proper decorum sa mga lugar. If they can't follow the rules of the school, then they should have pick another school. Kaya nga may rules eh para sundin, di lahat pwedeng idaan sa emotions,” sabi ni Jester Salen.
“Pag hinayaan nyo ang kabataan to express themselves at all forms, parang sinabi nyo na rin na they are free to do what they want without any limitations. Sa batang edad, dapat mag sink in sa kanila na may batas tayo, at hindi lahat sa mundo ay pwde,” sabi ni Elmer Pinuela.
“You’re in an institution that has rules and regulations before you even got there. Hind babaguhin ng schools yung regulations nila to cater to you.
Now, if you’re going to say na “this school, that school, pwede yun”. Then maybe enroll there? If hindi mo afford, then sumunod ka. It’s really simple. Masyado lang entitled yung mga students ngayon. Whenever something doesn’t go their way, they will scream and accuse discrimination agad. It’s disappointing really.
Additional note: If the institution is not supporting what you believe in, it’s unfortunate. But you can’t enforce your beliefs to someone just because you want to,” sabi ni Chris Refield.
***