Lahat ng mga bride na ata ang pinakamasaya sa lahat pagsapit ng mismong araw ng kanilang kasal.
Ngunit sa kasalang naganap kamakailan lamang na hanggang ngayon ay usap-usapan parin ng mga netizens, harap-harapang inagaw at sinira umano ng best woman at girl bestfriend ng groom ang pinakamasayang araw ng bride.
Ito rin eksakto ang nakikita at nasaksihan ng mismong host ng event na si Inday Janna, kung saan ramdam niya ang bigat ng dinadala ng bride na si Jorryme Vodisek sa araw ng kaniyang kasal, habang enjoy na enjoy naman si Shaira Shaira Mae Boyonas ang best friend ng groom na si Ales Vodisek.
"Kawawa talaga si bride sa wedding day base nong nag host ako," saad sa post ni Janna.
"During the program, afam is always holding the waist of the best woman, palagi ko yun napapansin, kawawa si bride nakahawak lang sa kanyang cellphone palagi,"
Ipinagtataka din ng host kung bakit si Shaira rin ang kinuhang tatayo bilang 'parents' ng groom at wala man lang niisang pamilya ang ummattend sa kasal.
"Unlike sa ibang afam na special talaga sana sa kanila ang wedding. So dapat kahit isa, meron sa side niya. Pero ang best woman talaga ang nag stand as parent,"
Bilang maraming ng napaghostan na ibat-ibang events, at bilang foreigner ang ikinasal, nagtaka siya pagdating sa reception at maging ang mga pagkain ay kinulang.
"Nasiyahan naman ang mga bisita kahit pa videoke lang ang sound system, hindi nag sponsor ng light and sounds ang afam,"
Napag-alaman din niya mula sa event coordinator na si Jorryme umano ang gumastos sa kasal.
"Ang food din, nagkulang. Nag expect ako na bongga kasi nga afam, pero ang sabi ng coordinator si bride ang gumastos. So wag na tayong magreklamo pa, ang importante makakain. Sobrang kawawa lang talaga si bride on the wedding day,"
Matatandaang kinompronta ni Jorryme si Shaira hinggil sa pagkasira ng kanyang kasal dahil sa pagiging malapit nito kay Ales at kinausap na siya na ang dumistansya kung ano man ang meron sa kanilang nakaraan.
Ngunit ang paliwanag ni best woman ay walang siyang ginawang masama at walang malisya ang lahat dahil sadyang ganoon lang din daw talaga ang paraan niya ng pakikitungo sa ibang tao.
"Jorryme sana masaya ka na ngayon, napahiya niyo na kami. Wala kang matibay na ebindensya kung anong ginagawa namin ni Ales. Puro ka lang selos."
"Sobra ka na. I know nag suffer ka ngayon, pero sana isipin mo rin na nag suffer din ako,"
Naglabas din ng pahayag si Ales tungkol sa isyu pinagtanggol niya si Shaira at aniya, mabuting tao ito at sana ay tigilan na ang panghuhusga dito.
"Shaira is my best women she is my only family there. Stop saying bad comments to Shaira because you don’t know the whole story and definitely you don’t know the truth. Shaira is a good person, so don’t judge her just because of what you saw in Facebook,”
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Your hugyaw Host / Emcee for the trending kasalan 👉the best friend is in the center of the afam😅
Solusyon: Nararapat bang ipa-deport ang afam?
Comment below:
👉Sa mga minamahal kong mga marites, kasi andaming nagsesend sa akin hehe. Ito ang mga na observe ko at mga paningin noong araw ng program sa kasal doon sa Dimiao.
👉Kawawa talaga si bride sa wedding day base nong nag host ako pero nasiyahan naman ang mga bisita kahit pa videoke lang ang sound system, hindi nag sponsor ng light and sounds ang afam.
👉Pag entrance palang, tinanong ko na ang coordinator kung bakit sad si bride.
👉Coordinator: Make sure to address properly si best woman Shaira, to stand as parents. Me: wondering why his parents or any from the afams side, kahit isa walang effort pumunta dito sa Pinas just to witness the wedding, unlike sa ibang afam na special talaga sana sa kanila ang wedding. So dapat kahit isa, meron sa side niya. Pero ang best woman talaga ang nag stand as parent.
👉During the program, afam is always holding the waist of the best woman, palagi ko yun napapansin, kawawa si bride nakahawak lang sa kanyang cellphone palagi.
👉During the games,, iniinsist ni afam na ipasali ang kanyang best woman kahit pa mga male lang ang kailangan, hahay! So go parin kasi binabayaran tayo.
👉Pero kawawa talaga si bride.
👉Ang food din, nagkulang. Nag expect ako na bongga kasi nga afam, pero ang sabi ng coordinator si bride ang gumastos. So wag na tayong magreklamo pa, ang importante makakain. Sobrang kawawa lang talaga si bride on the wedding day.
👉Pag-uwi namin papunta na ng honeymoon, nagtabi na naman sila ng girl bestfriend sa van na sinakyan. Kwento ng coordinator, umiiyak nalang ang bride.
#IndayJanna